Bagong obra ni Lav Diaz sa Switzerland naman sasabak
May bago na namang panlaban ang critically-acclaimed indie director na si Lav Diaz pagkatapos na humakot ng maraming parangal dito at sa iba’t ibang film festivals abroad ang kanyang pelikulang Norte, Hangganan ng Kasaysayan.
Magkakaroon ng special screening ang kanyang bagong pelikula titled Mula sa Kung Ano ang Noon sa 67th Locarno International Film Festival in Switzerland.
Lalaban sa section na Corcorso Internazionale ang kanyang pelikula. Last year ay naging member ng jury sa Locarno si Diaz.
Limang oras ang haba ng pelikulang ito ni Diaz at eligible siyang lumaban para sa highest award ng naturang festival na Padro d’oro or Golden Leopard Grand Prize.
Produced ng Film Development Council of the Philippines at Sine Olivia Pilipinas ang Mula sa Kung Ano ang Noon na ang setting ay before and during the Martial Law in 1972 at sa mga nagaganap sa buhay ng ilang mga tao sa isang malayong probinsya.
Ang mga bida sa indie film na ito ay sina Perry Dizon, Roeder Camañag, Hazel Orencio, Karenina Haniel, Reynan Abcede, Joel Saracho, Mailes Kanapi, Ian Lomongo, Noel Sto. Domingo, Evelyn Vargas, Teng Mangansakan, Ching Valdes-Aran, Bambi Beltran, Dea Chua, Kristian Chua, Kim Perez, at Kints Kintana.
Magsisimula nga ang 67th Locarno Film Festival on August 6 hanggang 16.
Bad joke sa MH17
Komedyanteng si Jason Biggs binatikos sa social media
Nakatanggap ng maraming batikos ang Hollywood actor-comedian na si Jason Biggs dahil sa ginawa niyang pagbibiro sa Twitter tungkol sa pag-crash ng Malaysia Airlines sa bansang Ukraine.
Higit na 295 passengers ang nasawi sa pag-crash ng naturang eroplano. Ilang oras pa lang nga lumabas ang balita, nag-joke agad ang 36-year old comedian sa kanyang Twitter at marami ang nagsabi na napaka-insensitive nito.
Nag-tweet si Biggs ng: “Anyone wanna buy my Malaysian Airlines frequent flier miles?”
Pagkatapos itong mai-tweet ay sunud-sunod ang mga nag-bash kay Biggs dahil sa kanyang hindi nakakatuwang tweet.
Sumagot naman agad si Biggs para ipagtanggol ang sarili niya.
“The idea that I wouldn’t have any empathy for the victims or their families because I make a joke is absolutely ridiculous. You know that, right?
“Truly-you losers are literally trying to find shit to get angry about. Channel your issues elsewhere,” pahayag pa ni Biggs.
Nakilala si Biggs bilang comedian at nagbida ito sa hit sex-comedy film franchise na American Pie. Napapanood siya ngayon sa Netflix comedy series na Orange is the New Black.
Kabilang naman sa mga nagpadala agad ng kanilang tweets para ipagdasal ang mga nasawi sa Malaysia Airlines tragedy ay sina Khloe Kardashian, Kourtney Kardashian, Nicki Minaj, LeAnn Rimes, at marami pang iba.
- Latest