^

Pang Movies

Alden bibida sa Ilustrado, Max nakasungkit ng role sa international movie

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kabila nang malakas na pag-uulan sa bansa, ang GMA Artist Center talents na sina Alden Ri­chards at Max Collins ay bibiyahe papuntang Mactan sa Cebu para makasama at makipag-bonding sa kanilang fans ngayong Biyernes, Hulyo 18.

Pagbibidahan nila ang isang Kapuso Mall Show na gaganapin sa Gaisano Island Mall Mactan na magsisimula ng 4:00 p.m. kung saan tiyak na paiinitin nila ang venue sa kanilang performances para lamang sa mga Cebuano.

 Pero bukod dito, handog din nila sa kanilang mga taga-suporta ang good news tung­kol sa kanilang respective showbiz careers.

Sa ikalawang bahagi ng taong 2014, mamamahinga muna si Alden sa pagganap ng ilang boy-next-door at leading man roles upang paghandaan ang isang higit na seryosong karakter, walang iba kundi ang tinaguriang National Hero ng bansa na si Dr. Jose Rizal, sa upcoming historical series na Ilustrado.

 Mula sa GMA News and Public Affairs, ang Ilustrado ay ang ika-apat na social realist drama production ng Network pagkatapos ng Bayan Ko, Titser, at ng ipalalabas pa lamang na Sa Puso ni Dok.

Samantala, matapos bumida sa afternoon soap na Innamorata, si Max ay masuwerteng nakapasa sa isang international casting call at nasungkit ang lead role sa pelikula ng isang Doha-based company na may working title na Remembering Ada. Makakasama niya sa nasabing pelikula sina Alden at LJ Reyes.

Mapapanood din sina Alden at Max tuwing Linggo sa weekend variety show ng GMA Network na Sunday All Stars.

 

vuukle comment

ALDEN RI

ARTIST CENTER

BAYAN KO

DR. JOSE RIZAL

GAISANO ISLAND MALL MACTAN

ILUSTRADO

KAPUSO MALL SHOW

MAX COLLINS

NATIONAL HERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with