^

Pang Movies

Maraming Pinoy, singer talaga!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

On going pa ang screening ng Star Awards for Music na nasa ika-6 years nang nagbibigay recognition sa mga outstanding works of people in the local music industry. Ang nasabing PMPC Music ay gaganapin sa September 14, (Linggo). As usual star-studded ang nasabing event.

So far, ang venue ay to be announced pa lang. Sa rami ng mga na-screen namin, lalo na itong mga aspiring new male recording artist, pahirapan ang pagpili dahil puro sila magagaling na singer, solo man, duet, or group. Grabe, katulad din ng mga ginagawa ng mga hurado ng The Voice Kids ng ABS-CBN, sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Bamboo, mga legit musician pero sa galing naman ng mga contestant nila ay sobrang nahirapan sila.

Sa star quality pati na rin sa ganda ng boses at kakayanan ang labanan ng mga contestants at hindi lang ang pisikal na anyo at lalong hindi ang uri ng pagkatao nakabase ang mananalo. Mayroon pa ngang convicted inmate na Herbert Colangco ang name, pero may K para mag-join sa event.

One of the best din itong si Michael Pangilinan, para kang nakalutang sa ere ‘pag kumakanta siya. Hay naku! ang dami palang magagaling na Pinoy pagdating sa musika.

Erik at Angeline huli na malagkit pa sa pulot ang titigan

Sa totoo lang bagay sina Erik Santos at Angeline Quinto, sure akong magkiklik ang kanilang relasyon. Ang galing-galing nilang kumanta, ang ganda ng mga boses nila. Ang kisig ni Erik at ang ganda naman ni Angeline na parehong taga-Bulacan. Si Angeline raw parang boyish kung minsan. Hindi kaya! Sa rehearsal ng 10th year Anniversary sa showbiz ni Erik via a concert, kung saan guests sina Angeline at Yeng Constantino, ang sweet daw nina Erik and Angeline, sabi ng isa naming insider. Masyado raw caring sa isa’t isa na may pabulung-bulong  at nagtatawanan pa ang dalawa. Pero mas tawag pansin ang kanilang eye to eye contact na mas malagkit pa sa inuyat!

Sikat na personalidad hirap nang tumawa sa sobrang batak na mukha

Nahihirapan daw tumawa ng pahalakhak  (malakas) ang isang sikat na personalidad. Natural na niya ang pagtawa nang ganito kahit noong hindi pa siya nagpapaayos ng kanyang fez.

 Maganda naman siya kahit na 70 Years old na maharil, pero ilang beses na kasing nagpahila ito ng kanyang mukha. Pinaunat ang nagluwagang balat ng mukha. E, yan palang pagpapaunat ay hindi dapat madalas gawin, at least 2 or 3 times lang dapat.

Pero kung maaari ay ‘wag na rin, apply na lang ng cream then massage at least kahit paano, makakaunat pa rin naman ito ng wrinkles sa fez. Kaso si personality nakalimang beses na raw nagparetoke ng mukha. Kaya hirap na siyang tumawa nang malakas at open mouth!

Jasmine natuto na agad

May bagong oras sa TV5 ang JasMine, of course si Jasmine Curtis-Smith ang title role ng nasabing serye, na nag-start noong June 22 (Sunday). Ang laki ng improvement in acting and looks ni Jasmine, at take note pati height niya. Noong nagsisimula pa lang siya sa TV5 network, walang kaayus-ayos ito at ‘di matangkad. Grabe na siya ngayon, mabilis at madaling natuto.

Marami pa rin ang may ginintuang puso!

God bless the people who are kind to others! Hello to Mama Cecilia, uy nami-miss niya daw column ko! Thank you Ricky F. Lo, Ethel Ramos, Vero Samio pati na rin kina Ryan Ranit, JAC Conductor, and Mr. Rafana, Cubao dispatcher. Kundi sa inyo ‘di ako makakauwi.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

ERIK

ERIK AND ANGELINE

ERIK SANTOS

ETHEL RAMOS

GRABE

HERBERT COLANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with