^

Pang Movies

Gerald pinaliligaya nang husto si Maja

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - All-out ang support ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa kanyang girlfriend na si Maja Salvador sa katatapos na successful concert nitong MAJ: The Legal Performer at kahit ayaw sanang magpakita ng binata dahil baka raw kabahan si Maja ay napilit pa rin ito ng mga fans na umakyat sa stage. Habang kumakanta ng Skyscraper, ay biglang nag-appear si Gerald at niyakap ang kasintahan.

Pagkatapos ng kanta ay inihayag ni Maja kung gaano niya pinahahalagahan ang pag-aalaga sa kanya ni Gerald.

Naging very emotional si Maja nang sabihin kung gaano ang proteksyon na ibinibigay sa kanya ng BF.

Naging very vocal din si Gerald sa kanyang pagsuporta at pagmamahal kay Maja sa bago nitong pinagkakaabalahan bilang singer and concert performer.

“I’m here to support her. Siyempre proud ako na first concert niya at naging inspirasyon siya sa maraming tao na dreams do come true. Eto ‘yung katunayan niya. Hard work pays off. Talagang pinaghirapan niya ito,” saad ni Gerald.

Bagama’t abala rin si Gerald sa taping ng Kapamilya Primetime teleserye na Dyesebel, siniguro raw niya na maipakita kay Maja na palagi lang siyang nakasuporta rito.

“Siyempre comfort lang. Siyempre pagod din siya. Everyday sila nagba-band rehearsals at voice lessons. So, nandun lang ako. Pampapawi ng pagod. Gan’on lang,” sabi pa ng aktor.

Hindi na rin itinatago ni Gerald ang kanilang relasyon at naniniwala siyang mas nag-mature na siya pagdating sa pagkakaroon ng karelasyon.

“Everyday is a learning lesson para sa akin. Ang dami kong natutunan. Katulad ng kung paano mag-handle ng difficult situation, paano mag-alaga ng babae.”

Ang pinaka-challenge lang sa relasyon nila ni Maja ay kung paano magbigay ng oras sa isa’t isa, lalo na’t pareho silang abala sa trabaho.  

“Yun ang mahirap, kasi siyempre pareho kaming artista. Kailangan ng kaunting sacrifice na gumawa ng oras. Gano’n talaga,” dagdag pa ni Gerald.

Sa ngayon, mas masaya raw sina Gerald at Maja na panatilihing low-profile ang kanilang relasyon. 

“Relaxed. Ok na ganito, tahimik lang,” ani Gerald

Samantala, matatandaang January 2013 nang unang naiulat ang tungkol sa pagkakamabutihan nina Gerald at Maja. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ito ang naging mitsa upang magkaroon ng alitan sina Maja at Kim, na dating girlfriend ni Gerald. Ngunit base sa panayam ni Maja sa The Buzz noong nakaraang Linggo, July 6, tuluyan nang nawala ang bigat sa pakiramdam na dulot ng ‘di pagkakaunawaan nila noon ni Kim. Maayos na nga ba ang lahat sa pagitan nilang tatlong sangkot sa isyu?

Sagot ni Gerald, “Oo naman. Time heals everything. Everybody’s happy. I’m happy. She’s happy.” Sa katunayan, nagkatrabaho na sila ni Kim sa commercial shoot ng isang coffee brand noong Hunyo. Kung saka-sakali, bukas umano si Gerald na muling makatambal si Kim para sa isang acting project. Aniya, “Hindi ko alam kung may plano ang management. Kung may project, okay sa akin.”                                             

                                               

 

vuukle comment

GERALD

GERALD ANDERSON

KAPAMILYA PRIMETIME

KUNG

LEGAL PERFORMER

MAJA

MAJA SALVADOR

SIYEMPRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with