^

Pang Movies

Marya bilib sa energy ni Dingdong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masayang nakipag­tsi­ka­han si Diamond Star Maricel Soriano sa ilang entertainment press na dumalaw sa taping ng drama series nito sa GMA 7, ang Ang Dalawang Mrs. Real. Gabi-gabi ay nagti-trending sa Twitter ang soap at sa ra­tings, inisip ba niyang papatok ito sa mga viewers?

“Ipinagdarasal ko na ma­­gus­­­tuhan ng mga tao, pero hindi ko in-expect na ma­gi­ging ganoon ang dating sa mga viewers,” sagot ni Marya.  “Siguro, mara­ming na­ka­ka-relate dahil totoo namang nang­yayari na may lalaking da­lawa ang asawa o dalawa ang kinakasama.  Kaya mara­ming salamat sa kanila.”

Nang gabing iyon ng taping, isu-shoot ang confrontation scene nila ni Lovi Poe, kung siya ba ang tatanungin, gusto niyang si Shiela lamang ang i-confront niya?

“Hindi, gusto ko sana sabay, sapak kung sapak silang dalawa, pero hindi pwede, isa-isa lamang muna. Pero hindi pa namin alam ni Lovi kung paano gagawin ni Direk Andoy (Ranay) ang confrontation namin.”

Hangang-hanga rin daw siya sa taping kay Ding­­dong Dantes. “Hindi ko alam kung saan niya kinu­ku­ha ang energy niya, sa aming tatlo kasi, siya ang lagare, may eksena siya sa akin, tapos lilipat siya ng location kay Lovi. Nangyayari iyan sa isang araw na taping. Minsan nga natanong ko siya ng “bata, kaya mo pa ba?”  Tawa lamang ang sagot niy a.”

Andrea ayaw pang seryosohin si Sef

Ngayong Lunes, ang simula ng taping ng bagong afternoon prime drama series na Ang Lihim ni Annasandra na magtatampok kina Andrea Torres, Mikael Daez at Pancho Magno. Sa Tanay, Rizal ang loca­tion nila dahil si Andrea ay gaganap na isang as­­wang na pina­manahan ng ori­gi­­nal na aswang, si Ro­chelle Pa­ngi­linan. Pero walang worry si Andrea sa bagong role dahil nagkaroon silang tatlo ng ac­ting at familiarity workshop dahil may konting skin silang ipakikita sa story. Bale pangatlong team-up na nina Andrea at Mikael, ang Sana Ikaw na Nga, With A Smile, bukod pa sa nagkasama sila noon sa My Be­loved nina Ding­dong Dantes at Marian Ri­vera, plus magkasama rin sila sa gag show na Bubble Gang. Pero kapag nagsimula na raw silang mag-taping, Monday-Wednesday-Friday, hindi muna sila magti-taping ng Bubble Gang dahil every Monday iyon.  Matagal na rin daw nakakasama ni Andrea si Pancho sa mga events ng GMA kaya familiar na rin sila sa isa’t isa.

Nag-deny si Andrea na sila na ng Kapuso actor/dancer na si Sef Cadayona. Open daw naman siyang ligawan pero ayaw pa niyang maging seryoso sa isang relasyon dahil marami pa siyang gustong gawin, foremost sa kanya ang kanyang career.

 

vuukle comment

ANDREA

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

BUBBLE GANG

DANTES

DIAMOND STAR MARICEL SORIANO

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with