^

Pang Movies

Kasundo na pati anak Valerie may ‘Doctor Love’ na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Umamin na rin si Valerie Concepcion na may boyfriend na siya at ang tawag niya rito ay Doctor Love.  Kaya pala siya blooming, biro namin kay Valerie. Four months pa lamang sila, pero one year and a half din silang nagdi-date.  Medical student pa raw lamang si Doctor Love nang makilala niya, pero ipinauna na niyang hindi pa siya ready for a new relationship.

 “Ang nagustuhan ko sa kanya, matiyaga siya, kahit may ibang nanliligaw sa akin, hindi niya ako pinigilan, parang hinayaan niya ako to explore my options,” sabi pa ni Valerie.  “And after nga ng pagtitiyaga niya sa akin, siya iyong natirang matibay.  Ang mas nagustuhan ko sa kanya, close sa kanya ang daughter ko, si Heather Fiona who’s nine years old na ngayon.  Nagbibiruan sila, nagtatawanan, comfortable si Fiona na sumama sa kanya kahit sila lamang dalawa, namamasyal sila sa mall kung may work ako.  Kahit noon pa kasi, ang first consideration ko, kung muli akong makikipagrelasyon, iyong mamahalin din niya ang anak ko.”

Wala pa naman silang balak magpakasal, siguro raw mga two or three years pa dahil kukuha pa ng board exam si Doc Love na gustong specialization ay pagiging isang anesthesiologist.  At siya rin naman, gusto ni Valerie na matapos ang Marketing course niya sa AMA Institute sa Project 8. Si Doc Love din daw ang nag-encourage sa kanyang tapusin niya ang studies niya.  Para sa anak din niya kaya gusto niyang makatapos ng college, maging inspirasyon siya ng kanyang anak.

Per program ang contract ni Valerie sa GMA7 at okey lamang kung kontrabida siya muli sa family drama na My BFF nina Janno Gibbs at Manilyn Reynes and child stars Jillian Ward and Mona Louise Rey.  She plays Lavander, na so much in love kay Janno kahit may asawa at anak na ito.  Napapanood ang My BFF bago 24 Oras.

Hero Angeles out na sa indie ni Joross, Thai actor ang bagong kasama

Tuloy na pala ang pagpapakasal ni Joross Gamboa sa girlfriend niya ng ilang taon na. Sa November nakatakda ang kanilang wedding. Pero bago iyon, gagawa muna ng isang indie film si Joross which he will also co-produce, na magsu-shoot sa Thailand-Cambodia-Vietnam.

May tentative title pa lamang itong Transient na ididirek ni Charliebebs Gohetia na isa ring mahusay na editor ng Astig, Enteng Kabisote at ngayon sa dinidirek ni Joey Javier Reyes na Somebody To Love for Regal Entertainment.  Ang movie ay dapat sanang pagsasamahan nila ni Hero Angeles, pero ngayon isang Thai actor na ang makakasama ni Joross.

Janno gusto na uling magka-baby!

Ini-enjoy pala ni Janno Gibbs ang role niya as a father sa My BFF kung saan si Manilyn Reynes ang wife niya. Sa simula kasi ng story, mga sanggol pa sina Chelsea (Jillian Ward) at Rachel (Mona Louise Rey) kaya muli raw siyang nagkalong ng baby na na-miss din niya.  Ang tagal na raw kasing wala silang baby ni Bing (Loyzaga) dahil pareho nang dalaga ang mga anak nilang sina Alyssa at Gabrielle.  Pero thankful siya na nakaya naman daw niyang gampanan ang mga dramatic scenes na ginawa niya, lalo na nang mamatay ang anak nilang si Chelsea.

vuukle comment

DOCTOR LOVE

HERO ANGELES

JANNO GIBBS

JILLIAN WARD

JOROSS

NIYA

SIYA

VALERIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with