Pag-aaral ni Raymond sa London may coverage!
Nang tanungin namin si Richard Gutierrez kung ano naman ang magiging pasabog niya sa season 2 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, singit na tanong ng kambal niyang si Raymond, “Is Sarah (Lahbati) gonna look for her wedding dress already?”
Ang lakas ng tawa ni Chard sa tanong ni Raymond.
“Tingnan natin, hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa season 2,” say ni Chard.
According to Raymond naman, more on life changing events daw siguro ng mga nangyayari sa kanilang pamilya ang mapapanood sa season 2.
“I think you know, Chard, with baby Zion, you know, thinking about the future. He’s already telling me like “I have to save up, I have to send him to the best schools”. So, they’re choosing already which school to send baby Zion hindi pa nga nakakapagsalita. School na iniisip, ‘di ba?
“Pero that’s good na you can tell what kind of parents they are. Na as early as know, they’re already choosing which school,” saad ni Raymond.
Pero kung si Chard ay hindi pa alam kung ano ang pwedeng mapanood sa kanya sa season 2, si Raymond ay nagbigay na ng glimpse kung ano naman ang mapapanood sa kanya.
“I’m going back to school,” Raymond announced. “You’re gonna see that on season 2. I’m studying in London and I’m leaving on July 26.”
Susundan daw siya ng camera sa London habang nag-aaral siya.
“We have a team there. I’m studying in Central Saint Martins. It’s a short course, three weeks lang. I’ll be gone for 3 weeks,” he said.
Ang kursong kukunin niya ay Trend Forecasting na honestly, ngayon lang namin narinig.
“It’s parang learning your intuition to know what’s coming up next. Whether it’s fashion, arts, entertainment, music. Parang training your intuition kung ano ‘yung coming up next around you.
“And then, I’m also taking up Fashion Marketing because I plan to have my own fashion line this year. Sa Central Saint Martins din,” pagi-inform pa ni Raymond.
Pamilya Gutierrez naging close ulit dahil sa reality show
Para naman kay Eddie Gutierrez, ang pinaka-memorable raw na experience niya sa season 1 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ay ang breakfast in bed nilang mag-anak.
“Kasi noon lang ulit kami nagsama-samang pamilya nang kumpleto after 3 years. Kasi, last time, sa Istanbul kami nagsama-sama, eh. After 3 years, ngayon lang ulit. So, I’m so happy, tapos may dagdag pang kasama ngayon, si Zion,” paliwanag ni Annabelle Rama.
Say pa ni Bisaya, talagang nag-enjoy daw siya sa season 1 ng kanilang reality show at malaki raw talaga ang naitulong ng show para maging lalo silang close ulit na magpapamilya.
Dito raw kasi sa Manila ay bihira silang magkasama-sama dahil nga lahat sila ay busy.
“Before, every Sunday, kailangan talaga, magsama-sama kami lahat, mag-dinner. Nawala ‘yun kasi naging busy na nga sila. Kaya nung sa cruise, talagang nagkasama-sama kami. Nag-enjoy talaga ako.
“Maski may konting gulo, may konting away, sama-sama kami lagi. At saka naaayos agad. Ganu’n naman kami sa pamilya, away kami sa umaga, mamayang konti, wala na. Minsan lang tumatagal ng 3 days, si Ruffa ‘yun,” kwento pa ni tita Annabelle.
May nagbiro kay Bisaya kung may naganap ba sa kanilang mag-asawa sa cruise at natawa si Tita Annabelle.
“Wala, kayo talaga,” she said.
Natanong namin si Annabelle kung hanggang ilang season ang gusto niyang mangyari sa It Takes Gutz to be a Gutierrez.
“Malay natin, baka maging katulad din ng Kardashians na tuluy-tuloy. Bakit hindi?” she said.
- Latest




















