^

Pang Movies

Matapos maunsyami sa PBB, AiAi isasabak na ang anak sa indie

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Isinalang ni AiAi delas Alas ang panganay na anak na si Sancho Vito sa indie movie niyang Ronda. Sa mismong araw ng shooting niya ng sex scene kay Cesar Montano kinunan ang eksena ng anak.

Ayon kay AiAi sa chikahan namin sa text, ma­tagal nang gustong mag-showbiz ng anak.  Ayaw nga lang niyang pumayag kasi nag-aaral pa that time ang panganay at baka ‘di maka-graduate. Ngayong tapos na si Sancho, gagawin na niya ang pangarap niyang maging artista kahit hindi siya pinalad makapasok sa Pinoy Big Brother this season.

Eh sa pagsama ni Ai ng anak niya sa indie movie, “Isinama ko lang siya para ma-experience ang pagiging artista. Gusto niya ‘yun eh. Cool lang. Pangsimula lang. Indie, indie actor para legit na artista! Walang pakyut-kyut! Ha! Ha! Ha!” text sa amin ni Ai.

Wala pang tulog si AiAi habang aming ka-text. Inumaga na rin kasing natapos ang eksena nila ni Cesar. Hindi lang naman daw ‘yung sex scene nila ng aktor ang kaabang-abang sa indie film.

“Chocolate lang ang pampagising ko. Wala pa ako sleep. Nahihilo ako. Nag-sleep lang ako ng two hours,” saad pa niya sa text.

Eh, kahit meron din siyang kuneksyon sa Dos, ayaw ipilit ni AiAi na ipasok ang anak niya sa istasyong kinabibilangan niya. Nag-iisip pa siya kung sa TV5 o sa Kapuso Network niya ipapasok ang anak.

Nang mabanggit ang nanay ni Sarah, Annabelle: ‘Don’t mention bad words please’

“No bad words, please!” warning agad ni Tita Annabelle Rama nang humarap siya sa press para ibalita na mamayang gabi na mapapanood sa TV5 after PBA Finals ang unang episode ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez na ipinalabas sa E! channel sa cable. Then bukas, last episode na rin naman ng reality show nila ng pamilya sa nasabing channel.

Ayon kay Tita A, solo na ng pamilya ang pagpu-produce ng second season sa E! Pero may hati pa ang kasosyo nila sa pagpapalabas ng show sa Kapatid Network.

“Kasi may kontrata kami sa kanila sa first season dahil kanila nga ang director. So wala kaming magawa kung ‘di mag-co-prod. Pero itong second season, solo na namin,” sabi niya.

Mag-iiba na raw ang director ng second season at hindi na si Mike Carandang. Kaya naman naghahanap sila. “Saka na ‘yon. Ito munang Gutz weekend ng Saturday and Sunday,” pahayag pa ng Gutierrez matriarch.

Sa season finale nila sa E!, mapapanood ba ang eksena ng nanay ni Sarah Lahbati?

“Ha! Ha! Ha! Grabe! Don’t mention bad words!” tugon ni Tita Annabelle.

Naramdaman niya ang pagmamahal ng E! sa kanila nang ipalabas doon ang trailers ng movie ni Chard na Overtime.

“Siyempre, nakiusap ako sa kanila na isang beses lang bago mag-showing. Sabi nila, no. We will give you ten times a day, 90 minutes! Full trailer, ten times a day, for two weeks!” pagmamalaki niya.

Kaya naman dahil sa pagmamahal sa kanila ng E! channel, naging cooperative naman ang members ng family niya upang maging maganda ang samahan nila sa bagong season ng reality show.                                                   

Marian bagay sa tagos sa dugo - Direk Maryo

Nawala na sa kamalayan ng publiko na magsasama sana sa isang movie sina Marian Rivera at Coco Martin para sa isang movie sa Regal. Napag-usapan na ang konsepto nito na mula sa utak ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Title ng isang kanta na bersyon ni Bryan Termulo ang pelikula. Hindi na nga lang natuloy ‘yon dahil sa pakiusap ng manager ni Coco na binigyan ng priority  that time na gawin  ang Juan de la Cruz.

Pero kung si direk Maryo ang masusunod, gusto niyang gawin ni Yan Yan ang konsepto ng movie na Tagos ng Dugo at mga projects na ginawa ni Vilma Santos.

“Parang she can be a virgin but she’s a sinner, ‘di ba? Kasi she looks so virginal eh. She looks like she could not become a sinner. ‘Yung face niya…

“And I think she should do things like that already because she’s already maturing. Because na-exhaust na rin ang kanyang romance…wholesome image!”  rason ni direk Maryo nang aming makausap sa regular series niyang Niño.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

AYON

BRYAN TERMULO

CESAR MONTANO

LANG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with