^

Pang Movies

Paano rin mapapatunayang legit isang milyong pirma para kay Nora ‘di rin mapakikinabangan ng aktres

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Lumilikom ang supporters ni Nora Aunor ng isang milyong pirma para maideklara raw na siya ay isang peoples’ National Ar­tist. Kung iisipin mo, madaling makuha ang isang milyong pirma, lalo na nga at mati­ya­­ga ang mga kukuha. Maaaring ang isang tao ay pumirma ng isandaang ulit o mahigit pa, kagaya rin iyan ng mga popularity contest na ginagawa sa pamamagitan lamang ng text o ng mga boto sa Internet. Maaaring bumoto araw-araw at nang paulit-ulit.

Kung iisipin mo nga, iyong listahan ng COMELEC, talagang may registration at validation pa, nagkakaroon pa rin ng multiple voting eh, iyan pa bang pipirma lamang sa petisyon na hindi naman validated kung sino nga ang mga nakapirmang iyon. Kung gagawa naman sila ng validated form at ang bawat isang pipirma ay magbibigay pa ng validated identification, aba eh malaking gastos iyon. Kita nga ninyo ang COMELEC, milyon ang gastos diyan.

Kung iisipin mo rin na ang isang milyon ay wala pa sa isang porsiyento ng populasyon ng buong Pilipinas, na ngayon ngang 2014 ay tinatayang nasa 100,617,000 na, at iyan ay sampung porsiyento lamang ng populasyon ng Metro Manila lamang na ang tinatayang populasyon ngayon ay 11,853,000 na kaya malabong masabing iyang pirma ng minorya ay deklarasyon ng bayan.

Isa pa, sabihin man nilang si Nora ay national ar­tist ng bayan, ano naman ang mapapala ni Nora kung hindi naman niya matatanggap ang mga benepisyo ng isang national artist? Halimbawa, ang mga pipirma ba ay magbibigay kahit na piso lamang sa panimula para maibigay sa kanya ang isandaang libong piso na unang ibinibigay basta idineklara ang isang national artist? Papaano na ang 75,000 pisong pensiyon buwan-buwan habambuhay? Papaano na ang karapatan ng isang national artist para sa isang state honor at state funeral kung sakali? Iyan ang mga bagay na kailangang lagyan ng katiyakan. Kaya dapat bukod sa pagpapapirma, ang lahat ng pipirma ay magbibigay naman kahit na piso para maibigay naman nila kay Nora ang katumbas na pensiyon bilang national artist.

Kung hindi nila magagawa iyan, maghintay na lang sila ng bagong presidente para madeklarang national artist si Nora. Bakit nga ba atat na atat silang ideklara na si Nora ngayon?

Puwede namang sa ibang panahon na lamang. Maghintay sila.

Mga abogado nina Raymart at Claudine pampagulo lang

Ngayon ang gusto namang mangyari ni Claudine Barretto ay alisin ni Raymart Santiago ang abogadong humahawak sa kanyang kaso at kung hindi raw gagawin iyon ng actor, parang wala na lang silang pinag-usapang dalawa. Walang judicial settlement. Papaano naman kaya kung hingin din ni Raymart kay Claudine na palitan din ang kanyang abogado?

Sa nakikita namin, iyang nangyayari ngayon ay labanan na lang ng mga abogado nila eh. Hindi na sila ang may problema kung ‘di ang kani-kanilang abogadong nagbibigay sa kanila ng advice. Mukhang ang mga iyon ang nag-aaway sa ngayon, nadadamay lang silang dalawa.

Subukan kaya nilang magbalik sa barangay, kung saan hindi kailangan ang abogado at doon na lang sila mag-usap.

Female TV host kating-kati na namang magka-BF

Atat na atat na rin daw ang isang female TV host according to Wendell Alvarez, na magkaroon ng panibagong boyfriend. Bakit nga ba nagmamadali naman siyang magkaroon ng karelasyon, tuloy tatlong beses na siyang nasisilat. Lahat naman yata ng mga nagugustuhan niya, gustong maging kaibigan lamang niya at tumatangging makipagrelasyon sa kanya.

BAKIT

CLAUDINE

ISANG

KUNG

NAMAN

NORA

PAPAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with