^

Pang Movies

Julia Barretto, aayusin ang kaguluhan ng pamilya

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kagandahan ng kalooban ang pananaigin ng karakter ni Julia Barretto sa pagtatapos ng top-rating Primetime Bida fantaserye ng ABS-CBN na Mirabella ngayong Biyernes (Hulyo 4).

Mas iinit ang mga tagpo sa huling linggo ng Mirabella ngayong mapapatunayan na sa lahat na si Mira (Julia) ay tunay na anak ni Alfred (James Blanco). Paano aayusin ni Mira ang problema ng kanyang pamilya ngayong patuloy pa rin ang masasamang plano nina Olive (Mylene Dizon) at Iris (Mika dela Cruz) laban sa kanya? Maituturo niya ba sa mga ito ang importansya ng kabutihan ng isang tao kaysa sa panlabas na kaanyuan? Sa huli, sino nga ba ang makapag-aalis ng sumpang namana ni Mira (Julia) kay Daisy (Dimples Romana)—si Alfred na naging dahilan ng kanyang paghihiganti, o ang tunay na umiibig sa kanya na si Jeremy (Enrique Gil)? Ang Mirabella ay sa ilalim ng direksyon nina Erick Salud, Jojo Saguin, at Jerome Pobocan, at produksyon ng Dreamscape Entertainment Television.

Huwag palampasin ang The Beautiful Ending ng Mirabella ngayong Bi­yernes na.

vuukle comment

ANG MIRABELLA

BEAUTIFUL ENDING

DIMPLES ROMANA

DREAMSCAPE ENTERTAINMENT TELEVISION

ENRIQUE GIL

ERICK SALUD

JAMES BLANCO

JEROME POBOCAN

MIRA

MIRABELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with