^

Pang Movies

Angel at Marian pinag-aaway ng fans, Darna sangkot

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Talagang pinagsasabong sina Angel Locsin at Marian Rivera na kapwa hindi rin nagpapatalo ang kani-kanilang fans. Lalo na ngayong officially na nasa mga kamay na uli ni Angel ang bato para ma­ging Darna  na minsan na rin niyang nagampanan sa TV sa GMA 7. Ipinagkukumpara pa ng mga fans ang Darna pictures nina Angel at Marian kung sino ang mas magandang magsuot ng custome ng Pinoy superhero. Hirit pa ng isang fan ni Angel na dapat si Marian ang gawing Valentina sa movie.

Samantala, in fairness kay Angel marunong siyang magpasalamat kahit hindi niya binanggit ang GMA 7 at least marunong pa rin siyang lumingon sa kanyang pinanggalingan kung saan in a way ay nagpasalamat pa rin siya sa Kapuso Network na nagbigay sa kanya ng unang big break via Darna nga. Aminado si Angel na ang Darna role rin ang nagpasikat sa kanya at nagpaangat ng kanyang career kasama na ang pagganda ng kabuhayan ng kanyang pamilya.

Umuusok din ang bangayan dahil si Marian naman ang hinirang na 2014’s FHM sexiest woman at kung bakit hindi ipinanalo si Angel sa botohan na pati ang akting, kaseksihan, at ugali ay pinagkukumpara ng dalawa.

Malamang pati mga nobyo nila na sina Dingdong Dantes at Luis Manzano na parehong balak pumasok sa pulitika ay malapit nang idawit sa bangayan ng mga fans nila.

Ayaw magpahuli, Diva change image na!

Maraming nakapansin sa transformation ni Diva Montelaba na lalong gumaganda at sumiseksi at akala mo kung sinong model na rumarapa. Lalo naman itong tumangkad tingnan dahil sa suot niyang heels.

Ayaw naman magpa-pressure ni Diva sa mga nagsasabing puwede siyang sumali sa beauty contests tulad ng Miss Universe o Miss World. Inglisera na rin si Diva na parang nagpa-practice na nga kung sakaling gusto niyang sumali sa beauty pageant.

“I don’t know. Let us see,” diin niya sa tanong kung sasali siya sa pageant.

Ayaw daw muna niyang mag-isip at i-stress ang sarili sa idea ng beauty contest.  Nag-level up lang daw siya sa kanyang looks at iniiba niya ang kanyang hitsura tulad ng role niya ngayon sa Ang Dalawang Mrs. Real. Overwhelmed daw siyang makatrabaho si Maricel Soriano kasama pa sina Lovi Poe at Dingdong Dantes kaya ayaw niyang magpahuli at gusto niyang laging presentable at ma­ging professional pagdating sa trabaho. Lalo na sa akting kaya ibinibigay niya ang kanyang best sa mga eksena rito.

   Thankful din siya sa GMA 7 management dahil hindi siya nawawalan ng trabaho sa network. Kapag dumating daw ang perfect time na puwede siyang sumabak sa beauty contest na hindi niya masabi kung kailan, basta for the mean time priority niya ang mga trabaho niya ngayon sa Kapuso Network.

 

 

vuukle comment

AYAW

DARNA

DINGDONG DANTES

DIVA MONTELABA

KAPUSO NETWORK

KUNG

LOVI POE

LUIS MANZANO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with