^

Pang Movies

Para tantanan ng bashers: Asawa ni Sen. Jinggoy lumayas na sa social media

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kahapon ang silver wedding anniversary nina Senator Jinggoy Estrada at Precy Ejercito. Walang celebration na nangyari dahil nakakulong si Papa Jinggoy sa custodial center ng PNP sa Camp Crame.

Saka nauna na ang pagdiriwang ng mag-asawa noong nakaraang Linggo, June 22, isang araw bago sumuko si Papa Jinggoy sa Camp Crame.

Ipinapaabot ni Precy ang pasasalamat sa lahat ng mga nag-greet sa kanila ni Papa Jinggoy ng happy silver wedding anniversary.

Nagtataka nga pala ang Facebook friends ni Precy dahil hindi na mahanap ang kanyang account. Sa mga wondering, deactivated na ang Facebook account ng misis ni Papa Jinggoy dahil sa mga basher ng pamilya niya. Kung may gumagamit man sa pangalan ni Precy sa social media, tiyak na fake account ‘yon.

Derek pinilahan sa Libis!

Pinilahan kahapon ang on ground auditions ng The Ama­zing Race Philippines sa Eastwood Mall, Libis, Quezon City.

Marami pa rin ang gustong sumali sa reality show ng TV5 dahil sa mga bonggang premyo na matatanggap ng winners na mabibig­yan ng chance na makapaglibot sa Asia.

Si Derek Ramsay pa rin ang host ng Season 2 ng The Amazing Race Philippines na mapapanood sa Kapatid Network sa October 2014.

Kahapon ang huling araw ng auditions para sa mga gustong mag-join sa The Amazing Race Philippines at hindi nagkulang si Derek ng reminder.

Feeling super yaman!: Aktres lumaki ang ulo nang patulan ng rich guy

Disappointed ang fans ng aktres na malaki ang ipinagbago ng ugali.

Mabait at magalang ang aktres noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz pero marami ang nakapansin na nag-iba ang kanyang ugali mula nang ma-link siya sa isang mayaman na mhin.

Biglang naging Inglesera ang aktres at hindi na marunong bumati sa mga nakatrabaho niya noong baguhan pa lamang siya.

Feeling superstar na ang hitad pero walang dapat ika-worry ang fans na dismayado dahil tiyak na darating ang araw na magigising sa katotohanan ang aktres na super rich at sikat ang projection.

Hindi pa nakasisiguro ang aktres na pakakasalan siya ng kanyang rich boyfriend. Saka na mag-asta na mayaman ang aktres kapag legal wife na siya.

Raymond naimpluwensiyahan si Gwen na maging Katoliko

Kasama ni Gwen Zamora sa kan­yang Europe trip ang boyfriend niya na si Raymond Romualdez, ang anak ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Maganda ang love story nina Gwen at Raymond dahil nagsimula sila bilang magkabarkada pero nagkaroon ng relasyon nang makipaghiwalay sa kanilang respective partners.

Malaki ang impluwensya ni Raymond kay Gwen dahil pinili nito ang Roman Catholic religion nang magpabinyag siya.

   Nakilala ko noong 2013 ang pari na nagbinyag kay Gwen na puring-puri ang kabaitan niya.

Isa si Gwen sa mga contract star ng GMA Artist Center na mabait at walang kayabang-yabang sa katawan. Kapag hindi siya busy sa kanyang mga showbiz commitment, ang restaurant nila ni Raymond ang inaasikaso ni Gwen.

Ang Innamorata ang huling television project ni Gwen. Hindi muna siya tatanggap ng teleserye dahil sa Europe trip nila ni Raymond at sa pelikula na gagawin niya sa Indonesia.

Unang asawa ni Allen, bading?!

Bading ang role ni Jim Pebanco sa Kamkam, ang pelikula ni Joel Lamangan na tumatalakay sa corruption sa lipunan.

Signature actor ni Joel si Jim at palagi siyang kasama sa lahat ng mga project ng award-winning director.

Maganda ang role ni Jim sa Kamkam dahil siya ang unang asawa ng karakter ni Allen Dizon.

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES

CAMP CRAME

DAHIL

GWEN

PAPA JINGGOY

PRECY

RAYMOND

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with