Marian wagi uling sexiest woman, 1.5 million ang nakuhang boto
Game na game talaga si Marian Rivera sa pagsama niyang sumugod sa bahay ng mga natatawagan sa cell phone ni bossing Vic Sotto sa segment ng Eat Bulaga na Juan for, All for Juan.
Nag-rest nga lamang siya ng isang araw after nilang nakabalik ng boyfriend na si Dingdong Dantes from New York, nag-report na siya agad sa show. Iyong bahay na napuntahan nila, bawal magpasok ng shoes kaya walang pakialam si Marian na naghubad ng sandals at naglakad na nakapaa. Kumain din silang nakakamay sa lunch na inihain sa kanila.
Ikinuwento na ni Marian na kaya siya nagbigay ng tulad sa ipinamimigay niya sa show na Puhunan ni Marian noong nasa Los Angeles, California Freedom Concert Tour sila, iyon pala ang assignment ni bossing Vic sa kanya na maghanap siya ng Pinoy senior citizen na hindi na talaga nakabalik ng Pilipinas. Tatlong senior citizen ang nabigyan ni Marian ng Pasalubong ni Marian.
Kahapon sa pagsugod nila sa Sto. Tomas, Batangas, sinurpresa nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Ruby Rodriguez si Marian na may banda pa ng musiko, na siya muli ang nanalong Number 1, for the third time, ang Sexiest Women in the Philippines/World, first noong 2008, second in 2013 at ngayong 2014 na nakakuha siya ng more than 1.5 million votes, according to the editor of FHM, Allan Hernandez. Nagpasalamat si Marian sa mga bumoto na totoong nagmamahal sa kanya.
Congratulations, Marian!
Back to taping na rin si Marian ng dance show niyang Marian, na mamayang gabi, makikipag-showdown siya kay Michael V.
Mapapanood na rin si Julie Ann San Jose sa musical segment with special guest Mark Bautista na magiging co-host din ni Marian.
Charee walang planong layasan ang pulitika
Masaya si Charee Pineda na simula nang lumipat siya sa GMA Network halos hindi na siya napahinga sa sunud-sunod na projects na ibinibigay sa kanya.
Last niya ay ang The Borrowed Wife two weeks ago kaya okey daw lamang kung wala pa siyang alam na bagong project sa kanila. Hindi rin problema kay Charee kung inililinya siya sa mga young breed of contravidas ng network. Napansin daw niya na konti lamang ang mga bata pang nagkokontrabida ngayon. Para sa kanya, mas challenging daw ang role ng kontrabida kaysa mga bida.
For the meantime na wala pa siyang project, tuuy-tuloy ang trabaho niya bilang councilor sa Valenzuela City. Pero hindi raw niya talaga iiwanan ang showbiz kahit nasa pulitika siya.
May advantage at disadvantage ba sa kanya ang pagiging artista sa pagpupulitika?
May advantage daw dahil kapag may kampanya, hindi na kailangang ipagtanong kung sino siya dahil kilala na siya bilang artista. Pero may disadvantage din dahil kailangang i-prove niya na kaya niyang maglingkod sa bayan at hindi basta lamang pagpapaganda at pagpapa-cute ang kaya niya.
Dagdag pa ni Charee, nakikisimpatiya raw siya kina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla, sa pinagdadaanan nila.
- Latest