^

Pang Movies

Manager desperado na, Benjamin ihinahanap ng ka-blind date

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi pa nahahanap ni Benjamin Alves ang babaeng para sa kanya kaya hindi nakapagtataka na loveless pa rin siya hanggang ngayon.

Worried na ang manager ni Benjamin na si Jonas Gaffud dahil walang inspirasyon sa kanyang trabaho ang kanyang alaga. Nag-offer na nga raw ito na ipa-blind date si Benjamin.

 â€œNatawa ako sa sinabi ni Mama Jonas. Ipapa-blind date na lang daw niya ako. Parang ang desperado ko nang magkaroon ng girlfriend, ‘di ba?” sabay tawa niya.

“Sabi ko naman na hindi naman kailangan, kasi I’m doing fine. Hindi ko naman hinahanap ang makipag-date since heto may bago tayong project.

“I relish being single for now. Wala akong nagi­ging problema kundi ang sarili ko lang.

“Kung may girlfriend ka naman kasi, kasama siya sa mga iintindihin mo, ‘di ba?

“Ngayon kasi, I like being single and I get my work done at walang nagde-demand ng time ko.

 â€œPero open pa rin naman ako sa blind dating. If I find her interesting, then we can start on something good.”

Kasama si Benjamin sa bagong afternoon tele­serye na Dading. Gumaganap siya bilang si Joemer, ang ama ng anak nila Beth (played by Glaiza de Castro) na tatayong ama ay ang bading na si Car­ding (played by Gabby Eigenmann).

Manggagamit na male celeb, nagpapa-isyu sa baguhang young actress

Hindi maawat ang pagpapansin ng male celebrity na ito sa isang baguhang young actress dahil gusto lang niyang ma-link dito at mapag-usapan sila dahil iyon ang utos ng mga taong nagpapatakbo ng career niya.
Nagulat nga ang baguhan young actress sa mga sinasabi ngayon ng male celebrity tungkol sa kanya. As if kilalang-kilala raw siya nito sa mga interviews niya.
“Kung magsalita nga si male celebrity ay parang soul mates sila ni young actress, eh sa totoo lang, minsan lang sila nagkakilala at ‘di sila nagkachikahan man lang,” sabi ng source.
Kilala ngang user-friendly ang male celebrity kaya alam ni young actress na gagamitin lang siya nito para lang bumango ang pangalan niya.   

“Ewan ko na at super trying hard naman kasi ang male celebrity na ‘yan. Hindi na lang siya magtrabaho ng tahimik, bakit kailangang may i-link sa kanya?
    “Kasi nga baka magtaka na ang marami dahil natsitsismis nga siyang bading, ‘di ba?

“So may nag-advise siguro diyan na magpa-link sa kung sinong pinag-uusapan na babae ngayon sa showbiz.

“It just so happens na nagkaroon ng ingay si young actress kaya heto na naman siya. Para siyang multo na bigla na lang susulpot para magpapansin,” pagtatapos ng aming source.

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

GABBY EIGENMANN

IF I

JONAS GAFFUD

LANG

MAMA JONAS

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with