^

Pang Movies

Julia payag na payag maging first bf si Enrique

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon sa presscon ng Mirabella, the Beautiful Ending ay kapansin-pansin ang kakaibang closeness ng magkaparehang sina Julia Barretto at Enrique Gil. Pati ang mga sinasabi nilang papuri sa isa’t isa ay parang to the highest level na to the point na iisipin mong nagkakagustuhan na yata sila.

Ayon kay Enrique, si Julia raw ang pinaka-naging close sa kanya sa lahat ng kanyang mga naka-love team. Ewan daw ba niya pero talagang kakaiba raw ang young actress.

Aminado naman si Julia na sobrang nakaka-flatter ang mga sinabi ni Enrique tungkol sa kanya.

“That’s very nice of Quen (tawag kay Enrique) naman. Actually, we’ve really gotten close on this show. So, it’s nice, nakaka-flatter siya kasi ‘di ba, you’re working and you’re building up a friendship, tapos ‘yun na pala ‘yung feeling niya towards you, na ikaw na ang naging close niya sa lahat, so very flattering,” she said.

May meaning na ba ‘yung closeness na ‘yun?

Natawa si Julia. “Wala, wala naman. We’re really just good friends.”

Natanong si Enrique kung masasabi ba niyang fascinated siya kay Julia at umamin naman agad ang young actor.

“Yes, of course, I mean, para maging close kayo sa isa’t isa, so, first place, kailangan na magustuhan mo siya. Siyempre, kung gusto mo siya, your likeability is really high kaya mas madali kami mag-jive.

“Tapos, she’s really open to me, that’s what I like, eh ‘yung open, who’s not afraid to say kung ano ang nararamdaman niya, I mean kung maloko ako, lolokohin din niya ako, something like that. Give and take.

“And that’s what she is, eh. And she’s very true to herself and ‘yun ang gusto ko. Kaya siguro, nag-jive kami,” say ni Quen.

Nang tanungin ang young actor kung posible ba niyang ligawan si Julia, ang bilis ng kanyang “yes”.

 â€œSa simula naman talaga, everything is based under friendship. Kung nakapagbuo ka na ng sobrang gandang friendship, it doesn’t mean na hanggang doon lang. Pero who knows? Basta for me, that’s a good basis na. Yes, I think, pwede,” pahayag pa ng young actor.

 â€œPwede” rin ang sagot ni Julia nang matanong kung pwede bang si Enrique ang kanyang maging first boyfriend.

Samantala, tungkol naman sa serye, ani Julia ay talagang marami siyang natutunan sa kanyang launching project. Kaya nga magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya ngayong two weeks na lang ang show.

Since first serye nga niya ang Mirabella, paano niya naman ia-assess ito? Happy ba siya? Satisfied ba siya sa kanyang launching fantaserye?

“Ako, very happy, very satisfied. Kahit 3-4 months lang kami, pero nag-tape kami siguro, magwa-one year na, I think, I’m very happy kasi ang ganda talaga ng story niya, the story itself, being able to play two roles for your launching project, that’s already a big thing.

“Kasi, it’s very challenging and this is my first soap, ‘di ba?

“So, it’s satisfying kasi feeling ko, natapos din naman ng maayos, the ratings improved by the end din, parang kumapit na rin ‘yung mga tao sa story.

“So, I’d say that kahit hindi siya tu­magal ng one year, ng 8 months, I’ve learned a lot from the show and there’s nothing better than experience, honestly. Para siyang preparation na rin for the upcoming, ganu’n,” say ng pretty teener.

Sa July 4 na mapapanood ang Mirabella, the Beautiful Ending.

vuukle comment

BEAUTIFUL ENDING

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

JULIA

JULIA BARRETTO

KAYA

MIRABELLA

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with