^

Pang Movies

Jennylyn ayaw pa ring paligaw!

- Vinia Vivar - Pilipino Star Ngayon

Isa si Jennylyn Mercado sa pinaka-vain nating female stars ngayon as in sobrang maalaga talaga siya sa katawan at sobrang disiplinado.    

Bukod sa regular na pagwo-work out ay hindi rin siya nagpapahuli sa mga latest technology ng Belo Medical Group kung saan ay isa rin siya sa endor­sers. Latest nga na pinagawa niya ay ang Belo Laser Lipo Arms kaya naman super-skinny na ng kanyang mga braso.  

“Actually, pare-pareho lang sila tulad ng diet pills or exercising or even RFs. They’re all made for arm slimming. Ganun din sa Laser Lipo arms, the only difference is that it’s surgical, but it’s more exact and will give you the fastest result that you want,” sabi ni Jen sa presccon niya kahapon for Belo.     

Pero kahit surgical daw ito, wala raw siyang masyadong pain na naramdaman at madali lang daw mag-heal dahil after 3 days ay nakapag-taping na ulit siya.     

When asked kung type rin niya magpa-pussykip na isa rin sa bagong technology ng Belo Medical Group, say ni Jen, ‘pag nanganak pa raw siya ulit, magpapa-pussykip na siya.     

Dahil super-ganda ni Jen ngayon, ang lahat ay nagtatanong kung may bago na ba siyang boyfriend dahil may tsikang meron na siyang non-showbiz bf.     

Pero say ni Jen, wala pa rin daw. Ni hindi nga raw siya nakikipag-date dahil hindi pa rin daw siya ready.       

“Siguro ano, parang na-feel ko lang, ang sarap parang maging single, no?  “’Yung nakaka-focus ka sa sarili mo, sa pamilya mo, sa career mo at parang doon na umiikot ‘yung mundo ko ngayon, sa tatlo - sa sarili ko, sa family ko, sa career ko,” she said. Hindi rin daw siya nage-entertain ng mga suitors.

“Bina-block ko,” natatawa niyang say. Bakit niya bina-block? “Hindi pa ako ready. Ang hirap din siyempre na mag-entertain na hindi ka pa ready. Unfair din naman sa mga tao. So might as well, single ka na lang muna.”    

Dahil balita ring naghahanda na si Patrick Garcia sa kasal niya sa kanyang non-showbiz girlfriend, nahingan din ng reaksyon si Jen tungkol dito at happy naman daw siya for him.     

In fact, kung iimbitahan nga raw siya sa kasal ay pupunta siya.     

“Why not, di ba? Kung may invitation, why not? Wala namang masama, friends naman kami. Tatay ni Jazz (her son) si Patrick, so I think, there’s nothing wrong naman,” say ni Jen.   

Wala rin daw problema kung kunin ni Patrick na ring bearer ang anak nilang si Jazz at papayag daw siya.  

Priscilla Meirelles ayaw pa uling magkaanak kay John

Three years nang kasal si Priscilla Meirelles kay John Estrada at may isa na silang anak na babae na ngayon ay 2 years old na. Wala pa raw silang balak sundan ang kanilang panganay at say niya, may mga plano pa silang gustong i-fulfill at isa pa’y kababalik lang daw ng kanyang katawan.   

Isa si Priscilla sa limang grand finalists ng Celebrity Dance Battle ng TV5 kasama nina Gary David, Ciara Sotto, Iwa Motto, and Rafa Siguion-Reyna.    

Sobrang happy ni Priscilla na nakarating siya this far at maging si John nga raw ay supportive sa kanya.   

Tumataginting na P1M ang prize ng grand winner sa grand finals na mapapnood this Saturday, June 28, 9 p.m.   

Celebrity Dance Battle is being hosted by Lucy Torres-Gomez with Semerad twins, Anthony and David.

vuukle comment

ANTHONY AND DAVID

BELO MEDICAL GROUP

CELEBRITY DANCE BATTLE

DAW

PRISCILLA MEIRELLES

RIN

SIYA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with