^

Pang Movies

Tatay ni Angel boto kay Luis

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Masayang-masaya si Mang Angel (ama ni Angel Locsin) dahil nararamdaman nito kung gaano kasaya ang anak ngayong nakatagpo na ito ng lalaking gusto ng anak na makasama habambuhay.

Para kay Mang Angel, mabait na bata si Luis, masinop sa kabuhayan at higit sa lahat naging mabuting anak kaya magiging mabuti rin itong asawa at kayang-kaya magdala ng pamilya dahil sa pagiging matatag ng kanyang buhay.

Ayon pa rito, compatible sina Angel at Luis kaya nakatitiyak na itong magkakasundo sila sa maraming bagay. Higit sa lahat naroon ang respeto ng dalawa sa isa’t isa na mahalagang bagay para magtagumpay ang kanilang married life sakaling magkatuluyan balang araw.

Pagkatapos ng paghataw ng The Legal Wife ay magiging abalang muli ang aktres sa isang proyekto, malamang na isang pelikula.

Tinutulungan si Jennica, Alwyn taga-deliver ng muffins

Hataw ngayon sa kanyang career ang magaling na aktor na si Alwyn Uytingco. Nagbunga rin ang kanyang pagsisikap at tiyaga upang marating niya ang kinalalagyan ngayon.

Hanga kami sa pagiging magaling nito bilang Beki Boxer at kahit mapa-drama o mapa-komedi ay maaasahan ito. Sabi nga ng isang reporter na naging guest sa teleserye ay napakasipag ng aktor at hindi humihinto hanggang hindi perfect ang mga eksena lalo na pagdating sa boksing.

Bukod sa matatag na career ngayon, ay stable pa rin ang kanyang love life at inaming gusto niyang si Jennica Garcia na ang babaeng pakakasalan niya. May business ang nobya at nakasuporta lagi ang aktor kung saan minsan ay siya pa ang driver nito sa pagde-deliver ng muffins para sa mga pusa. Mayroon din para sa mga tao at puwedeng umorder online.

Kuya Germs binigyan ng kalahating milyon ni Willie

Nakakuwentuhan ko si Kuya Germs sa presscon ng Overtime kung saan nasabi na hindi niya sukat akalain nang bigyan siya ng tseke ni Willie Revillame ng P500,000 kung saan sinabi nito na walang kapalit ang pera (hindi para malagay sa Walk of Fame) kundi tulong sa kanyang mga proyekto.

Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa TV host.

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

ANGEL LOCSIN

BEKI BOXER

JENNICA GARCIA

KUYA GERMS

LEGAL WIFE

LUIS

MANG ANGEL

WALK OF FAME

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with