^

Pang Movies

Ronnie Quizon nasungkit ang best actor award sa BIFF

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Napanalunan ni Ronnie Quizon ang El Ray Award for best actor sa 2014 Barcelona International Film Festival (BIFF) para sa indie film na Rekorder na directorial debut ni Mikhail Red.

Isa sa naging official entry ng 2013 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival under the New Breed Ca­tegory ang Rekorder.

Bukod sa pagkapanalo ni Ronnie ng best actor (Excellence in Acting in a Lead Role) sa BIFF, nanalo rin ang Rekorder ng Special Jury Prize and Best Music Award sa 31st Annonay International Film Festival sa France noong nakaraang February.

Isang psychological thriller ang Rekorder na tungkol sa isang da­ting film cameraman turned movie pirate. May nakunan siyang isang robbery at kumalat ang video over the Internet.

 â€œDANG! Ang sarap pakinggan…ang hirap paniwalaan…Thank you so much for this wonderful news and for the messages of praise, kudos and support! Mabuhay ang Pinoy!,” pag-post pa ni Ronnie sa kanyang Facebook account noong makarating sa kanya ang balita.

Aktibo si Ronnie sa pag-arte sa mga teleserye. Huli nga siyang napanood sa TV series ng ABS-CBN 2 na Dugong Buhay na pinagbidahan ni EJ Falcon.

May sisimulang bagong indie film si Ronnie titled Sa Ngalan Ng Anak kung saan makakasama niya sina Ejay Falcon, Phillip Salvador, Carlo Aquino, Nash Aguas, Derrick Hubalde, Perla Bautista, Paul Salas, Sharlene San Pedro, Diane Medina at John Manalo.

Si Toto Natividad ang magdidirek nito.

Gardo hinihingal sa bading serye

Hindi first time ni Gardo Versoza ang gumanap na bading sa isang teleserye. Una siyang gumanap na gay sa naging drama series ni Nora Aunor sa ABS-CBN 2 na Bituin in 2002.

“Doon naman kasi hindi naman ako loud na ba­ding. Manager ako ni Ate Guy doon at tamed ako doon. Pa-girl lang ako doon.

“Dito kasi sa Dading, as in maingay ako. Pati sa mga suot ko, colourful. Naka-dangling earrings, may turban, may scarf. Bakla siya sa salitang bakla talaga.

“Gusto kasi ni Direk Ricky Davao na yung role ko as Lexi ay ‘yung maiiba sa role ni Gabby Eigenmann na hindi loud. Kailangan ako ‘yung opposite ng cha­racter ni Gabby na si Carding,” paliwanag pa ni Gardo.

Hindi nga raw nahirapan si Gardo sa pag-portray niya ng role na Lexi dahil bago sila mag-taping ay nanood daw siya ng ilang Hollywood movies na may mga gay characters na gagawin niyang peg.

Inamin ni Gardo na tuwing kukunan daw ang eksena niya ay sobrang pagud na pagod siya.

“Kasi naman ang daming kong movements kapag may eksena ako.

“Since kikay akong bading dito, hindi lang sa pananalita ako nag-i-effort kundi pati na sa pagkilos ko. Kailangan may timing ka at natural lalabas. Hindi magiging sobra kaya kapag nag-cut siya, humihingal ako sa pagod!” natatawang pagtatapos pa ni Gardo Versoza.

Lady Gaga hinarang ang pag-ere ng sariling music video

Hindi nga pinayagang umere ang bagong music video ni Lady Gaga na Do What U Want dahil sa matinding mensahe nito on sexual assault and harassment.

Ayon pa sa TMZ, natakot din daw si Lady Gaga na magkaroon ng negative feedback ang kanyang bagong music video dahil ang kasama niya sa naturang music video ay ang R&B na si R. Kelly na minsan ay nakasuhan na for child pornography.

Maging ang kanyang director ng video na si Terry Richardson ay naireklamo na ng ilang  models for sexual harassment and sexual assault.

Kahit na na-acquit si Kelly para sa kanyang kaso at nag-deny si Richardson sa sinasabing pang-harass niya sa mga model, nagdesisyon na si Lady Gaga na huwag nang iere ang kanyang music video.

AKO

ANNONAY INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

ATE GUY

BARCELONA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

GARDO

GARDO VERSOZA

LADY GAGA

REKORDER

RONNIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with