^

Pang Movies

Vilma at Nora, tinalo ng hindi kilalang aktres

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghari na naman ang indie films sa ginanap na awards night ng 37th  Gawad Urian na live na napanood sa Cinema One noong Martes ng gabi. Ginanap ang awards night sa Dolphy Theater. Magkakaroon ito ng replay telecasts sa June 21 and June 26 at 7:00 p.m. and on June 29 at 2:00 p.m. sa Cinema One. 

Walang kahit isang nanalo na galing sa mainstream film na ipinalabas noong nakaraang taon.

Waging-wagi ang obra ni Direk Lav Diaz na Norte Hangganan ng Kasaysayan, isang pelikula tungkol sa isang lalaking napagbintangang killer habang ang totoong salarin ay nasa laya. Ang killer ay frustrated sa mga nangyayari sa paligid habang ang nakulong ay mas na-enjoy ang kulungan nang may kakaibang nangyari sa loob.Hanggang sa abroad ay pinupuri na ang pelikulang ito na mahigit apat na oras ang running time.

Dineklara itong pinakamahusay na pelikula ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Nanalo namang best actress si Angeli Bayani  na isa sa mga bida ng pelikula. Tinalo niya sina Gov. Vilma Santos and superstar Nora Aunor.

Narito ang iba pang nagwagi:

Pinakamahusay na Panguhahing Aktor: Joel Torre (On the Job)

Pinakamahusay na Direksyon: Hannah Espia (Transit)

Pinakamahusay na Dulang Pampelikula: Lav Diaz at Rody Vera (Norte, Hangganan ng Kasaysayan)

Pinakamahusay na Sinematograpiya: Lauro Rene Manda

(Norte, Hangganan ng Kasaysayan)

Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon: Adolfo Alix, Jr. (Porno)

Pinakamahusay na Musika: Emerson Texon (Sonata)

Pinakamahusay na Editing: Chuck Gutierrez

(Riddles of My Homecoming)

Pinakamahusay na Tunog: Corinne de San Jose (On the Job)

Pinakamahusay na Dokumentaryo: Nanay Mameng

Pinakamahusay na Maikling Pelikula: Missing

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor:

Junjun Quintana (A Philippino Story)

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres:

Angel Aquino (Ang Huling Chacha ni Anita)

May special tribute naman ang nasirang director na si Gerardo “Gerry” de Leon.

A PHILIPPINO STORY

ADOLFO ALIX

ANG HULING CHACHA

ANGEL AQUINO

ANGELI BAYANI

CHUCK GUTIERREZ

CINEMA ONE

KASAYSAYAN

ON THE JOB

PINAKAMAHUSAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with