^

Pang Movies

KC wala nang gustong ilihim

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Habang nasa bakasyon si KC Concepcion at nag-i-enjoy sa Amerika ay kung anu-anong balita ang kumakalat tungkol sa kanya rito sa ‘Pinas. Halatang naiirita na ang dalaga kaya naman sa kanyang mga posts sa social media gaya ng Instagram ay panay ang lagay niya ng kanyang status para sagutin ang mga bashers nito.

Ang latest na balita na kumalat ukol sa aktres ay ang tungkol sa pagiging ina niya raw diumano sa nakababatang kapatid na sina Miel at Miguel. Bagama’t itinanggi na ito ng Megastar na si Sharon Cuneta noon, hindi pa rin natitigil ang paglabas ng ganitong tsismis.

Sa interview ni Bianca Gonzalez na lumabas sa Philippine Star last Sunday ay sinabi nitong noong una ay dedma lang siya sa nasabing balita dahil alam naman daw niya ang totoo.

“First of all, sabi nila, kaya raw ako nag-Paris when I was 18 is because I was pregnant. And I didn’t know it was such a big rumor because it isn’t true! I didn’t mind it. It was funny eh, but when your family starts to ask about it, then it gets real. Parang, wait lang, showbiz can actually ruin relationships,” pahayag ni KC.

“So when they didn’t see any tell-tale signs, sabi nila, nagpa-abort daw kasi ako. Ano ba talaga? Nabuntis ba ako or nagpa-abort? They said anak ko daw si Miel (Pangilinan), because I wasn’t here when she was born. They said my mom paid so and so millions para raw tumahimik ‘yung mga tao. Then when we adopted my brother Miguel, si Miguel naman daw ‘yung tunay kong anak,” dagdag pa nito.

Naungkat pa ang tsismis na noon daw ay kaya siya lumipat sa Boston noong 12 years old pa lamang ay dahil sa nahuli raw siyang naninigarilyo sa bathroom.

 â€œIf you know me, how I am, how I think, kayo na mismo makakaalam if (rumors are) true or not. Instead of allowing other people to introduce me, I’ll do it myself,” sabi pa ng aktres.

Kaya nga raw aktibo siya sa mga social media sites ay para higit siyang nakikilala ng kanyang mga tagahanga dahil very open siya sa pagbabahagi ng kanyang sarili sa pamamagitan nito.                             

 

vuukle comment

AMERIKA

ANO

BAGAMA

BIANCA GONZALEZ

MIEL

MIGUEL

PHILIPPINE STAR

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with