^

Pang Movies

The Voice Kids malakas ang hatak dahil sa mga isyu ng mentors

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi kataka-takang aabangan parati ng maraming manonood ang The Voice Kids dahil nagiging topic sa Twitter ang mga mentors nito na sina Lea Salonga at Sarah Geronimo.

Tulad na lang noong nakalipas na episode ay may pangako na ginawa si Lea para kay Sarah.

“I will sing for you when you get married,” pabirong hirit ni Lea sa Pop Princess na biglang naging speechless.

Hanggang ngayon kasi ay pahulaan pa rin kung official na bang boyfriend ni Sarah si Matteo Guidicelli.

Marami na silang photos at videos na pino-post ng kanilang mga fans at kitang-kita ang sweetness ng dalawa.

Pero walang masyadong naikukuwento pa si Sarah dahil riding high pa ito sa success sa box-office ng pelikula nila ni Coco Martin na Maybe This Time.

In fairness din to Matteo, quiet din ito sa anumang totoo sa relasyon nila ni Sarah.

Female celeb dinadaan sa paglaklak ang depression

Kaawa-awa ang female celebrity na ito dahil dinadaan na lang nito sa pag-inom ang kanyang mga problema ngayon.

Nagugulat ang mga kaibigan ng female celebrity dahil parati raw nagyayaya itong mag-inuman. Sobra itong depress ngayon kaya gusto niyang manhid ang katawan kapag umuwi na siya ng kanilang bahay.

“Gusto niya na kapag umuwi siya, ‘yung tuluy-tuloy na ang tulog niya. Ayaw na niyang isipin pa ang problema sa kanila dahil baka raw maloka lang siya.

“Kaya nauwi sa pag-iinom ang paraan niya para mabawasan ng konti ang mga iniisip niya,” sey ng aming source.

Pero nilinaw ng source namin na hindi naman talamak sa alak ang female celebrity. ‘Yung tamang lasing lang na makakatulog siya kaagad. Hindi naman ito binubuhat papunta sa sasakyan niya na sobrang kalasingan.

Wala naman magi­ging problema kung matulog ng buong araw si female celebrity dahil wala naman daw itong regular show.

Isa ito sa ikinasasama ng loob ng female celebrity dahil tila hindi na siya priority ng network at may iba na silang mga paborito ngayon.

“Mabuti na lang at may naipon siya. Kaso baka naman maubos dahil sa kaiinom niya.

“Worried na ang pamilya niya na baka lumalim ang depression ni female celebrity at ang pag-inom na ang maging pampalipas oras nito,” pagtatapos pa ng aming source.

Adam Levine wala nang urungan ang pagpapatali sa GF na vs Model

Sa July 19 na nga nakatakdang ikasal ang Maroon 5 frontman at The Voice mentor na si Adam Levine sa Victoria’s Secret (VS) supermodel na si Behati Prinsloo.

Isang intimate wedding ang nakaplano at magaganap ito sa Hotel El Ganzo in Los Cabos, Mexico.

Naka-schedule na ang rehearsal dinner sa July 18.

After the wedding ay lilipad ang newly-wed sa hometown ni Prinsloo sa South Africa para makasama ang ilang relatives and family members nito na hindi makakapunta sa kanyang wedding in Mexico.

Ni-reveal na ng 25-year old soon-to-be-Mrs. Levine na ang kanyang wedding gown ay bohemian inspired.

Si Adam naman ay kaka-celebrate lang ng kanyang bachelor’s party last month sa Las Vegas.

The 35-year old rocker ay sinamahan ng kanyang mga male friends sa Palms Casino Resort kung saan nag-stay sila sa Hardwood Suite na isang 10,000 square foot room with private dance floor, indoor basketball court and 24-hour butler service.

 

vuukle comment

ADAM LEVINE

BEHATI PRINSLOO

COCO MARTIN

DAHIL

FEMALE

HARDWOOD SUITE

HOTEL EL GANZO

LAS VEGAS

LEA SALONGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with