Ate Vi walang palya sa Legal Wife
Don’t be surprised kung magbibigay si Batangas Governor Vilma Santos ng sariling testimonial about the series, the Legal Wife, not because she can relate to the role of Monica; at isa sa most secured marriages in showbiz and politics, nor because the one playing the character of Monica, the legal wife, ay ang kanyang mamanuganging si Angel Locsin.
Tagahanga lang daw talaga siya ng series, per se, dahil very real ang presentation nito, lalo na ang pagganap ng mga artistang involved dito. Gabi-gabi, walang palyang pinanood niya ang bawat episode nito.
Bukod kay Angel, kasama rin sa series sina Maja Salvador, as Nicole, the kabit, Jericho Rosales, the husband, at JC de Vera, as the consistent lover of Monica.
Hanga rin daw si Ate Vi (yes, to us, she remains our one and only Ate Vi) kina Christopher de Leon, at Rio Locsin, bilang mag-asawang nagkahiwalay at nagkaÂbalikan. Inunawa ng character ni Boyet (pet name ni Christopher) si Rio, na during their hiwalayan, ay nagkaroon ng kaugnayan sa ibang lalaki (Mark Gil), na handa pa ring tanggapin si Rio, kung babalikan siya nito.
Kasal to Senator Ralph Recto for nearly 20 years now si Ate Vi. They have a son, Ryan Christian, who is now in college.
Ate Vi’s elder son, Luis Manzano, is her son by first husband, Edu Manznao.
Sen. Bong guwapo at mukhang relax pa rin kahit makukulong na
Obvious na malaking dahilan ang sobrang pagiging malapit ngayon ni Senator Bong sa ating Creator, kung bakit kahit may problema siyang dinadala, dahil nga sa involvement niya sa PDAP, he manages to still look handsome and relax.
According to his elder brother, Marlon (Bautista), na nakasama, pati ang kanyang asawang si Gigi dela Riva, nina SenaÂtor Bong, his wife, Bacoor Congresswoman Lani Mercado, and their two daughters, when the Revilla family went on a pilgrimage to the Holy Land, malaking factor talaga sa kanila si Lord sa nabanggit nilang paglalakbay.
‘‘Tinalaban kaming lahat sa sinasabi ng aming kasamang pari all throughout the journey.
‘‘Feeling namin, we were all reborn,’’ tukoy pa ni Marlon.
Marlon, likewise said na dapat may entry sila this year sa Metro Manila Filmfest (MMFF). Last year kasi, ‘di umabot ang script sa deadline ng submission ng mga entries. Ngayon ay hindi masiguro ni Marlon kung tuloy pa itong balak nilang ito for their production.
Eddie at Gloria hindi mapigilan sa trabaho
At their age, in demand pa rin both for roles, lalo’t sa TV, sina Eddie Garcia and Gloria Romero. The two are in their 80s.
Eddie is in the cast of the upcoming series, Sana Bukas pa ang Kahapon, tampok naman ni Gloria sa Niño.
Eddie said, wala pa raw sa balak niya ang mag-retire, not because he needs to work, kundi talagang masaya siya sa ginagawa niya. Ganundin daw si Gloria, na afford na afford na sanang mag-retire, ‘di lang dahil may investments na siya, kung hindi ang dalawang pinakamamahal niya sa buhay, ang anak na si Maritess (Gutierrez) at apong si Christopher ay pareho nang may mga kanya-kanyang trabaho.
Both Mother and son are professional chefs.
Kung sila lang ang masusunod, gugustuhin nilang mamahinga na sa trabaho si Gloria.
But Gloria, like Eddie, is enjoying the job pa.
- Latest