^

Pang Movies

Kaya puring-puri ni Susan Roces Bea hindi baboy kung makipag-love scene!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Umuulan ng mga papuri para kay Bea Alonzo sa grand presscon ng Sana Bukas pa ang Kahapon na ginanap last Tuesday. Puring-puri kasi siya ng mga kasama niyang veteran stars na sina Dina Bonnevie at ang Original Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, no less!

Napakagaganda ng mga sinabi ng dalawang magagaling na aktres. Say nila ay fans daw sila ni Bea noon pa at lahat daw ng pelikula nito ay napanood nila.

Say ni Manang Inday (tawag kay Susan), “Isang karangalan na makasama ko si Bea sa project na ito. Matagal kong sinubaybayan ang kanyang pagsikat. Isa ako sa fans ni Bea sa kanyang mga teleserye noon at sa mga pelikula niya. Isang karangalan na makasama siya sa isang proyekto,” say pa ni Manang Inday (isa pang tawag kay Tita Susan sa showbiz).

Ayon pa sa well-loved veteran actress, ang pinaka-hahangaan daw niya kay Bea ay napakadisente raw nitong makipag-kissing scene.

“Siya ang pinakamaganda at pinakamalinis at pinakadisenteng mag-kissing scene,” she said.

Sinegundahan naman ito ni Ms. D. Aniya ay nagsimula raw siyang mapanood si Bea sa unang serye nitong Kay Tagal ng Sandali.

Nasubaybayan daw niya kung paano ito gumanda nang gumanda at wala raw siyang pinalampas na pelikula nito mula noon hanggang ngayon. Hanggang sa pinaka-last movie raw ni Bea na She’s the One ay pinanood niya.

“The first time I saw her in the set, sabi ko, ‘Bea, I’m your fan, lahat ng movies mo, napanood ko and I’m so happy to work with you’,” kwento ni Ms. D.

Bukod sa napakagaling daw umarte, hinahangaan din niya kay Bea ay napakaganda raw nitong umiyak.

“Ako kasi, ‘pag umiiyak sa screen, ang pangit ko. Siya, pag umiiyak siya sa screen, glam pa rin.

“At saka totoo ‘yun, lahat ng pelikulang napanood ko sa kanya, kahit na sobrang intense ng love scene niya, hindi siya baboy panoorin. Very decent,” papuri pa ni Dina.

Para namang matutunaw si Bea sa sobrang pagka-flatter sa mga papuri nina Tita Susan and Ms. D. Ang biro nga ng mga reporters, parang tribute to Bea ang presscon. At sobrang thankful naman ng aktres.

 â€œMaraming maraming salamat po. And siyempre, nagpapasalamat din ako sa ABS-CBN at sa Star Cinema siguro dahil na rin sa mga role at pelikula at projects na binibigay nila. Sila talaga ‘yun. I’m very blessed. Thank you po,” say ni Bea.

Albert nabobo nang makaeksena si Bea

Isa si Albert Martinez sa leading men ni Bea sa Sana Bukas pa ang Kahapon kaya naman natanong din siya sa presscon tungkol sa love scenes nila ng aktres.

Ayon kay Albert, medyo matagal-tagal na raw na hindi siya nakikipag-love scene sa proyekto. Ang huli pa raw niya ay with Joyce Jimenez sa pelikulang Scorpio Nights 2 kaya naman aminado siyang hindi siya kumportable at first lalo pa nga’t kalahati lang yata ng edad niya si Bea.

“’Yung first day ko sa set, parang paano ko maha-handle ito? Honestly kinabog talaga ako, ‘yung magkaroon ka ng leading lady na ganito at may age.

“To top it all, ‘yung day 2 namin ay love scene parang bigla akong nabobo sa eksena na ‘yon. Ako ang kinabahan. Buti na lang si Bea is a very good actress. She handled it well and the scene turned out to be beautiful,” kwento ni Albert.

Say pa ng aktor, “Honestly, medyo kinabahan ako because unang-una, she’s very young and siguro, the last time na nagkaroon ako ng ka-love scene was like, sino ba?” Si Joyce?

“So matagal na, hindi na ako masyadong kumportable doon. Kumbaga nilagay ko na sa baul ‘yon. While doing the scene kailangan kong kumbinsihin at i-prepare ang sarili ko.”

Heto na ang magandang part. Natanong si Albert. Kung iko-compare niya ang mga labi ni Bea sa isang chocolate, anon’g klase ito?

“Well, I’d say, mint chocolate. May lamig. Merong freshness,” he said.

Sa Sana Bukas pa ang Kahapon ay gina­gampanan ni Albert ang papel na Leo, asawa ni Emanuelle played by Bea.

Magsisimula na ang SBPAK this June at kasama rin dito sina Paulo Avelino as the other leading man, Maricar Reyes, Tonton Gutierrez, Anita Linda, Eddie Garcia, and Susan Roces.

vuukle comment

AKO

BEA

KAHAPON

MANANG INDAY

MS. D

NIYA

SANA BUKAS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with