^

Pang Movies

Gina Pareño nag-taping kahit nakaburol ang ina

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bilib ako sa professionalism ni Gina Pareño na kahit nakaburol ang kanyang ina, nag-taping pa rin sa Dyesebel dahil mauubusan ng mga episode na ipalalabas sa TV.

Malungkot na malungkot si Mama Gina nang magkita kami sa parlor ni Bambbi Fuentes. Ikinuwento niya na nakaburol pa ang kanyang mommy dearest  pero kailangan na magtrabaho siya dahil sa pakiusap ng staff ng Dyesebel.

Dakila ang pagmamahal ni Mama Gina sa kanyang ina dahil hindi raw ito nagpabaya o nawala noong mga panahon na marami ang pagsubok sa buhay niya.

Sinabi sa akin ni Mama Gina na siguradong mami-miss niya ang kanyang mahal na ina.

Elmo malabong aminin si Janine

Feel na feel ko na may relasyon sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez, kahit wala silang inaamin.

Bumisita kahapon ang dalawa sa Startalk para i-promote ang mga nalalabi na episode ng kanilang afternoon teleserye, ang Villa Quintana.

Ngumiti lang sina Elmo at Janine nang tuksuhin ko sila. Blooming na blooming si Janine at ganoon din si Elmo.

Kahit hindi sila umamin, ramdam na ramdam ko ang sobrang love nila para sa isa’t isa.

Huwag na tayong mag-expect na aamin si Elmo na boyfriend na siya ni Janine. Never na umamin sina Elmo at Lauren Young na may relasyon sila, hanggang mapabalita na tapos na ang kanilang love affair.

Kung si Elmo siguro ang masusunod, siguradong ayaw muna niya na matapos ang Villa Quintana para maging madalas pa rin ang pagsasama at pagkikita nila ni Janine.

Asawa ng aktor na nagtatawag sa mga reporter, hindi dapat patulan

Emotionally at mentally disturbed ang misis ng isang aktor dahil siya mismo ang tumatawag sa mga reporter para siraan ang kanyang asawa.

Ang ending, idinenay ni misis ang mga ginawa niya nang magkaroon ng imbestigasyon at lumitaw ang katotohanan na siya ang source ng mga paninira sa sariling dyowa.

Warning sa mga reporter, huwag patulan ang litanya at ilusyon ng misis ng aktor kung sakaling ma­katanggap kayo ng phone call mula sa kanya. Siguradong masisira ang inyong kredibilidad at kayo pa ang ipapahamak niya sa kanyang mga kuwentong kutsero.

Mga emote ni Mommy Divine sa lovelife kitang-kita sa akting ni Sarah

Congrats sa aking favorite na si Sarah Geronimo dahil sa mga review tungkol sa acting niya sa Maybe This Time.

Nagkakaisa ang lahat ng mga nanood ng Maybe This Time na malaki na ang improvement ni Sarah bilang aktres. Ang husay-husay raw ni Sarah sa mga eksena nito sa pelikula nila nina Coco Martin at Ruffa Gutierrez.

Love story ang Maybe This Time at pamilyar si Sarah sa mga love story dahil dumaan din sa pagsubok ang kanyang mga love affair. Knowing her, nagamit ni Sarah sa Maybe This Time ang mga emosyon niya sa mga love affair na tinutulan ng kanyang Mommy Divine.

It takes… mapapanood sa 19 countries

Mahigpit ang paalaala ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez na ngayong gabi, 9:00 pm, ang pilot telecast ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na mapapanood sa E!

Excited na ang mag-ina, pati na ang ibang mga miyembro ng kanilang pamilya sa magiging reaksyon ng televiewers sa mga nakakalokang eksena sa reality show nila.

Happy ang Gutierrez family dahil mapapanood sa more than 19 countries ang It Takes Gutz to be a Gutierrez . Nothing to worry ang makaka-miss sa pilot episode ng show dahil may mga replay ito sa E!

 

vuukle comment

DAHIL

ELMO

IT TAKES GUTZ

JANINE

KANYANG

MAMA GINA

MAYBE THIS TIME

MOMMY DIVINE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with