^

Pang Movies

Parang nagdo-droga Young actor ‘di mapakali at laging pawisan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Namimisteryosohan ang isang reporter sa young actor na ito dahil sa kakaibang mga ikinikilos kapag ini-interview.

Unang-una ay pansin niyang galaw daw ito nang galaw kapag nagsasalita. Kung hindi raw nagkakamot ng ulo, panay daw ang paiba-iba sa pag-upo nito.

Kaya ang reporters na kausap siya ay nadi-distract dahil sa mga kinikilos niyang hindi normal.
Tapos ang ipinakapinagtataka ng ilan ay kung bakit pawisan ito parati.

Kitang-kita raw na tagaktak ang pawis ng young actor kaya panay ang punas nito sa kanyang noo at leeg.

Kahit nga raw malakas ang aircon sa loob ng venue, si young actor lang daw ang tanging pawis na pawis samantalang ang ibang mga kasama niya ay hindi.

Hindi rin naman daw ito mataba para mainitan sa suot niya.

Ayaw namang isipin ng reporter na baka kung anong ipinagbabawal na droga ang tine-take ng young actor kaya may kakaibang reaction sa katawan niya kaya madalas itong mangati, pawisan at maging restless.

O baka naman daw naging mannerism na ng young actor ito at baka nga naman pawisin talaga siya sa totoong buhay.

Kung anuman daw ang problema sa aktor, maging pisikal man ito, mental or psychological, pinapayuhan siyang magpatingin sa doktor para maayos ang anumang problema niya sa katawan.

Celeste hindi na sakitin kaya tumanggap uli ng trabaho

Muling nagbabalik si Ms. Celeste Legaspi sa pag-arte sa telebisyon via Ang Dalawang Mrs. Real sa GMA 7. Gaganap na ina ni Dingdong Dantes si Celeste.

Huling napanood si Celeste sa drama series ng TV5 na Glamorosa noong 2012. Pero na-cut short ang kanyang paglabas doon dahil bigla raw siyang nagkasakit at kinailangang magpahinga siya.

“But this time, I’m a lot healthier than before. Lately ay hindi na ako nagkakasakit kaya I accepted this offer.

“Okey naman ang project at natutuwa ako kasi ang daming naming senior citizens sa show!” sabay tawa niya. “Nandiyan sina Tommy Abuel, Coney Reyes, Jaime Fabregas, and Robert Arevalo.

“At ang maganda pa ay may cut-off time kaming mga seniors. Kaya hindi kami sobrang pagod sa trabaho namin.”

Sa mga hindi nakaaalam, ay isa sa mga multi-awarded performers si Celeste for the past four decades.

Bago nga siya naging isang award-winning singer and concert performer, isang legitimate stage actress si Celeste at lumabas siya sa ilang pelikula na dinirek nila Lino Brocka, Ishmael Bernal, Augusto Buenaventura, and Mario O’ Hara.

“Brocka baby din ako. I did Santiago, Stardoom and his last film, Sa Kabila ng Lahat. I also did Mamang Sorbetero under Direk Augusto, Tatlong Ina... Isang Anak for Direk Mario and Wating for Direk Ishma.

 â€œAll of them passed away na. But I am thankful that I was able to work with these award-winning directors.”

Ngayon nga ay ang pag-produce na ng pelikula ang ginagawa ni Celeste at sisimulan nila ito with the film version of the stage musical Larawan.

Si Tom Rodriguez ang gaganap na Tony Javier at ang gaganap sa magkapatid na Candida at Paula ay sina Rachel Alejandro at Joanna Ampil.

‘Hermione’ graduate na sa college!

Naka-graduate na ng college ang Harry Potter star na si Emma Watson. Si Emma ang gumanap na si Hermione Granger sa successful Harry Potter film series.

Natanggap na ni Emma ang kanyang Bachelor’s degree in English Literature diploma mula sa Brown University. Pinost ni Emma sa Twitter ang kanyang selfie kung saan suot niya ang kanyang cap-and-gown during her graduation rites.

Naging goal nga ng 24-year old actress na matapos ang kanyang college studies despite her hectic schedules. Hindi lang sa Brown University nag-aral si Emma kundi pati na sa Oxford University.

Naalala ni Emma ang first day niya sa college kung saan gusto niyang mag-blend in agad with the other students. Big celebrity na siya that time, dahil sa Harry Potter movies.

 â€œOn the first day, I walked into the canteen and everyone went completely silent and turned to look at me. I had to say to myself, ‘It’s okay, you can do this. You just have to take a deep breath and gather your courage.’

 â€œI wanted to pretend I wasn’t as famous as I was. I was trying to seek out normality, but I kind of have to accept who I am, the position I’m in and what happened.”

Kahit nga isa siyang sikat na movie star, nirespeto ng kanyang campus mates ang kanyang posisyon bilang isang student sa university.

“I’ve never even been asked for an autograph on campus. When I threw a party for nearly 100 students and not a single person put a photo on Facebook,” ngiti pa ni Emma Watson.

vuukle comment

AUGUSTO BUENAVENTURA

BROWN UNIVERSITY

BUT I

CELESTE

CONEY REYES

EMMA WATSON

HARRY POTTER

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with