^

Pang Movies

Mga anak ni Zsa Zsa tanggap ang kanyang bagong papa!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Very vocal ang Divine Diva sa bago niyang buhay pag-ibig ngayon. Hindi niya itinatago ang pakikipag-relasyon sa architect na si Conrad Onglao. Matapos ang kanyang mahigit na 23 taon na relasyon sa King of Comedy na si Dolphy na namatay two years ago ay nakahanap na ng bagong lalaking mamahalin ang magaling na aktres at singer.

 â€œSabi nga nila isang taon ang pagluluksa. Ayun, hindi mo naman masasabi. Meron akong kaibigan dati, nawalan siya ng boyfriend. Sabi niya ‘Na-meet ko yung naging asawa ko wala pang isang taon.’ So hindi mo masasabi ‘yun,” sey ni Zsa Zsa sa interview niya sa ABS-CBN News.

Hindi naman daw niya plinano ang mahulog ang loob agad-agad kay Conrad.

“Kapag talagang may dumating na sa palagay mo siya na ‘yun, (wala ka nang magagawa). Saka hindi na tayo bagets,” she said. “Sobrang saya. Talagang napaka-blessed ko na dumating si Architect Conrad sa buhay ko kasi before that, mahirap talaga,” pahayag pa nito.

Nagdesisyon daw siyang makipag-date kay Conrad dahil pagod na rin daw siyang magluksa sa pagkamatay ni Dolphy at sa tingin niya ay tamang panahon na rin para muli siyang sumaya. Natutuwa rin daw siya dahil hindi naman daw tutol ang mga anak ni Dolphy sa bago niyang boyfriend.

Sa interview kay Eric Quizon ay sinabi nitong “Zsa Zsa and I have been very good friends. And ang friendship naman namin... It doesn’t mean na just because my dad is dead, doon matatapos iyon. No. We all have our lives, we all have to move on. Whatever she does, kung saan siya masaya, she has the support of the whole family.”

Dagdag pa ni Zsa-Zsa, “Siyempre lahat kami nagsama-sama naman sa pagmamahal at pag-aaruga kay Dolphy. Lahat naman kami gusto namin maka-move forward sa buhay.”

“Tanggap siya (ng mga anak ko) and ang gusto ko talaga sa kanya, he’s big on family and he makes it a point din na mahalin ang mga anak ko. I really prayed hard for a man who will love my children as much as I love them,” pahayag pa ni Zsa Zsa.

                               

 

vuukle comment

ARCHITECT CONRAD

CONRAD

CONRAD ONGLAO

DIVINE DIVA

DOLPHY

ERIC QUIZON

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with