^

Pang Movies

Manliligaw na French guy ni Ruffa pabalik-balik ng bansa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nag-Mona Lisa smile si Ruffa Gutierrez nang uriratin siya ng mga reporter tungkol sa French guy na masugid na nanliligaw sa kanya.

Hindi sinabi ni Ruffa ang name ng French guy na isang businessman at madalas na bumisita sa Pilipinas.

Ang mystery French guy ang kasama ni Ruffa nang magbakasyon ito sa Europe kasama ang mga anak nito na sina Venice at Lorin.

Sa ganda ni Ruffa, imposible na mawalan siya ng mga manliligaw. Nagkataon lang na kumalat ang lit­rato ng mhin nang magbakasyon sila sa Palawan at sa night out nila sa 71 Gramercy.

Nag-enjoy nang husto si Ruffa sa nakakapagod na promo tour nila sa Singapore. Hindi halata na biktima siya ng food poisoning noong bisperas ng early morning guesting nila ni Raymond Gutierrez sa Channel News Asia para sa promo ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Nagpapasalamat si Ruffa dahil oras ng trabaho nang ma-food poison siya or else, siya ang magbabayad $400 Singapore dollars na consultation fee pa lang. Ang E! ang nagbayad sa doktor at mga gamot na nagpagaling kay Ruffa, kaya natuloy ang TV guesting niya sa morning show ng Channel News Asia.

Sarah pasok na pasok sa reality show ng mga Gutierrez

Sorry na lang dahil hindi kasali sa It Takes Gutz to be a Gutierrez ang French guy pero ka-join sa reality show ng mga Gutierrez ang another French speaking actress, si Sarah Lahbati na real-life girlfriend ni Richard Gutierrez.

Happy si Richard dahil active na uli sa showbiz ang kanyang girlfriend. Natutuwa si Richard dahil nalampasan na ni Sarah ang lahat ng trials sa career nito.

Annabelle hindi nakatalak sa international press

Behaved ang beauty ni Annabelle Rama sa Singapore dahil tumanggi siya na magpainterbyu sa international press.

Ipinaubaya ni Bisaya sa kanyang mga anak ang TV promo ng It Takes Gutz to be a Gutierrez dahil naubos ang mga English words na baon niya.

Touched na touched si Bisaya sa pag-aasikaso sa kanila ng mga bossing ng E! Feel na feel daw nila ang pagiging mga international star dahil sa special treatment na na-experience.

Excited na si Annabelle sa nalalapit na airing ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa June 1. Hinding-hindi raw magsisisi ang mga nag-aabang at manonood sa kanilang reality show.

Mga ‘babae’ ni Mayor Erap, naggagandahan lahat!

Kahapon ang final screening ng Miss Manila 2014 at mga beauty queen material ang lahat ng mga sumali.

Sure ako na magiging successful ang project ni Manila City Mayor Joseph Estrada at ng kanyang misis, si former Senator Loi Ejercito dahil sa pagdagsa ng mga kababaihan na nangangarap na masungkit ang Miss Manila 2014 crown and title.

Big prizes ang matatanggap ng mapalad na mananalo at siyempre, may chance na sumali siya sa mga national beauty pageant. Hindi ako magtataka kung sumali sa Miss Manila 2014 ang mga talunan na kandidata ng Bb. Pilipinas, Miss Earth Philippines at Miss World Philippines.

Coney gustong magturo ng good moral values

Tinanggap ni Coney Reyes ang role niya sa Ang Dalawang Mrs. Real dahil challenging ito at kapupulutan ng aral.

Born-again Christian si Connie at importante sa kanya na makapag-share sa televiewers ng good moral values. Hindi nag-second thought si Coney na tanggapin ang Mrs. Real dahil very positive ang karakter niya.

 

vuukle comment

CHANNEL NEWS ASIA

DAHIL

GUTIERREZ

IT TAKES GUTZ

MISS MANILA

MRS. REAL

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with