^

Pang Movies

Winwyn ayaw pakinggan ng inang si Alma

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Obvious na matagal nang hindi nagkakausap si Winwyn Marquez at ang kanyang kuyang si Mark Anthony Fernandez dahil nagulat ito sa balitang naghiwalay na sila ng misis nitong si Melissa.

Nakausap namin si Wyn sa 10th anniversary celebration ng Mercator Models sa 71 Gramercy sa Makati City at wala raw siyang alam na naghiwalay na si Mark at ang sister-in-law niya.

“Hindi ko talaga alam. Matagal na kaming hindi nagkakausap ni Kuya Mark except kapag nagti-text kami sa isa’t isa.

“Wala naman siyang binanggit na may problema sila ni Ate Melissa. In fact, magkasama pa silang dalawa sa isang event recently. Wala akong alam na hiwalay na pala sila,” sey ni Wyn.

May bago ngang pamangkin si Wyn mula kay Mark at Melissa. Sana raw ay magkaayos na ang dalawa ng maaga.

“Siguro dumaraan lang sila sa isang pagsubok sa relasyon nila. Lahat naman dumaraan sa ganyan.

“Wish ko lang na magsama ulit sila Kuya Mark at Ate Melissa. Lalo na’t may bago pa silang baby.

“Pagdarasal ko na maging maayos ang lahat sa kanila,” diin pa niya.

     Kinumusta namin kay Wyn ang ina nitong si Alma Moreno at nasabi niyang madalas daw atakihin ito ng kanyang sakit na multiple sclerosis.

“Si mama kasi sobrang sipag. Kahit na madaling-araw, nagtatrabaho pa rin siya. Sobra siyang dedicated sa pagiging konsehal niya.

“Nakiusap na ako sa kanya na sana magpahinga naman na siya. Naaawa ako kapag nababalitaan ko na may masakit sa katawan niya or nanghihina siya.

“Gusto ko na magkasama na kami sa bahay para mabantayan ko siya. Ngayon kasi ako lang nakatira sa bahay namin sa Tahanan Village in Parañaque City. Si mama sa Baclaran nakatira.

“Sabi ko na bumalik na siya sa Tahanan Village para naaalagaan ko siya. Kung wala man ako, may mga kasambahay naman kami na puwedeng tumingin sa kanya.

“Sabi ko kay mama na huwag nang matigas ang ulo at ayokong nagkakasakit siya. Wish ko lang ay makinig naman siya sa akin para na rin sa ikabubuti ng katawan niya,” pagtatapos pa ni Winwyn Marquez.

Inaming type si Eula, Daniel bongga ang pag-aalaga sa aktres!

How true na nagkakamabutihan na raw ang mga TV5 stars na sina Eula Caballero at Daniel Marsh.

Nagkadebelopan raw ang dalawa dahil sa show nilang One of the Boys.

Ito raw ang napapansin ng staff ng naturang show dahil sa extra pag-alaga ng Irish-Filipino model kay Eula.

Pero nagsalita si Eula na friends lang daw sila ni Daniel. Ayaw daw niyang bigyan ng anumang kahulugan ang pagiging close nila ni Daniel dahil maganda ang working relationship nila nito sa show.

As for Daniel, marami siyang magagandang sinabi tungkol kay Eula na puwede mong isipin na ito ang naging dahilan bakit mukhang type na niya ang TV5 princess.

“I do like her and we work well together so we’ll see what happens and just go with the flow.

“We get along well. She’s comfortable to work with. She always helps me with my lines lalo na ‘pag sobrang mahirap na so sasabihin ko, ‘Eula, ano yun?’ Tapos sasabihin niya, ganito o ganyan yan,” pagtatapos pa ni Daniel Marsh.

vuukle comment

ALMA MORENO

ATE MELISSA

DANIEL MARSH

EULA

EULA CABALLERO

KUYA MARK

SIYA

TAHANAN VILLAGE

WINWYN MARQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with