^

Pang Movies

Mga fans ng Dingdong-Marian, sabik nang makitang magkatambal ang mga idolo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Magkakabit na raw yata talaga ang mga puso nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Today, May 26, parehong may grand launch cum presscon ang mag-sweetheart. Lunchtime ang launch ni GMA Primetime Queen ng kanyang new shampoo endorsement, ang Hana. Mamayang gabi naman ang launch ng new drama series ng GMA Primetime King na Ang Dalawang Mrs. Real kasama sina Ms. Maricel Soriano at Lovi Poe. Pero ang request ng mga fans nina Dingdong at Marian, ang muli nilang pagtatambal sa isang drama series. Kung maaari raw ay romantic-co­me­dy naman dahil katatapos lamang ng actress sa matitinding drama sa Carmela, at for sure, drama rin ang soap ng actor na magkakaroon ng sabay na relasyon sa dalawang babae na magsisimula na sa June 2. Ang alam namin, may isa pang project na gagawin si Marian sa GMA 7 before the year ends, at sana nga ay ito na ang muling tambalan nilang dalawa.

Pero sa ngayon, nagkakasya na lamang ang mga fans na kahit busy sa kani-kanilang work ang dalawa, hindi naman nila pinalalampas, na maging together basta may time, kahit walang okasyon. Kahit going to church together or having a simple dinner. Next month, parehong may independence day shows sila sa U.S.A. at kahit magkahiwalay ang kani-kanilang shows, magtatagpo naman sila sa Las Vegas, Nevada at sabay nang babalik sa Pilipinas. Back to work sila, si Marian sa new show na MARIAN at pagko-co-host sa Eat Bulaga, at si Dingdong sa taping ng Ang Dalawang Mrs. Real.

Matapos makuha ang bida role, Miguel inulan ng intriga

Inintriga agad ang new tween star na si Miguel Tanfelix nang humarap siya sa mga entertainment press, sa launch ng bago niyang inspirational dra­ma series sa GMA7, ang Niño Mapapanood na ito simula mamayang gabi, pagkatapos ng 24 Oras. Second choice lamang daw siya for the role of Niño. Dapat daw ay kay Ruru Madrid ang said role. Mabilis itong sinagot ni Miguel na nag-audition siya for the role at nabalitaan din daw niya na kay Ruru unang ini-offer ang role pero hindi raw pwede ang young actor dahil sa religion nito. Pero hindi raw niya iyon inisip kahit pang-ilang choice siya, ang mahalaga ibinigay daw ni Lord ang blessing na iyon sa kanya at ang chance na ibinigay sa kanya ng GMA para sa kanyang first starring role. Inamin ni Miguel na biggest break ang role niya of a fifteen-year old boy na may pag-iisip of an eight year old. Nagawa na niya ang role ng isang retarded boy noon sa Tinik sa Dibdib.

Bilang paghahanda sa kanyang role, pinag-observe siya ni Direk Maryo J. delos Reyes sa SPED (special education class) at pinanood niya ang movie ni Sean Penn, ang I Am Sam. Aware si Miguel na may mga TV shows nang kahawig ng Niño, paano kung ikumpara siya sa mga gumanap na ng ganitong role.

“Okey lang po sa akin, big challenge sa akin kung maiku-compare ako sa kanila. Pero with the help of Direk Maryo at ng mga kasama kong ma­hu­husay na artista, pagbubutihin ko po ang pagganap ko para hindi ko mabigo ang pagtitiwalang ibinigay nila sa akin,” patapos na sagot ni Miguel.

 

DINGDONG DANTES

DIREK MARYO

DIREK MARYO J

MIGUEL

MRS. REAL

PERO

ROLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with