^

Pang Movies

Nakatengga ang karir, starlet sising-sisi sa paglayas sa dating network

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Muli raw nagpaparamdam ang isang female starlet sa mga kakilala nito sa isang TV station. Gusto na raw nitong bumalik dahil wala naman daw nangyayari sa kanya sa kinalalagyan niya ngayon sa istasyon.

Wala nga raw ibang show ang female starlet pagkatapos niyang gawin ang isang hindi nag-rate na teleserye.

Nagkaroon pa raw nang hindi magandang reputasyon ang female starlet kaya pati ang staff ng naturang teleserye ay naiimbiyerna sa kanya.

Ayon sa aming source ay ilang beses naging cause of delay ang female starlet na ito. Muntik na nga raw silang ma-pack up minsan dahil sa pagiging late nito ng higit na apat na oras.

Nagparamdam ang female starlet sa istasyon na una niyang pinanggalingan. Pero mukhang hindi naman na interesado sa kanya. Na-disappoint kasi sa female starlet ang ilang taong tumutulong sa kanya. Meron sana itong malaking project na gagawin kaso nagpadala agad siya sa panliligaw ng ibang TV station. Kaya ang ending ay nakanganga siya ngayon.

“Wala kasing sense of loyalty ang babaeng ‘yan. Madali kasi siyang nabola. Hayun, lahat ng mga pinangako sa kanya, walang natupad.

“Sayang at ilang projects sa kabilang istasyon ang pinakawalan niya. Nagsisisi na siya ngayon dahil sa mga nawala sa kanya. Ngayon ay super-wait siya sa mga promises ng TV station na kinabibilangan niya,” pagtatapos pa ng source namin.

Buhay ni Rafael naayos sa kanyang GF

Happy na sa kanyang personal na buhay si Rafael Rosell dahil natagpuan na niya ang babaeng makapagpapaligaya sa kanya muli. Ito ay ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Olivia Medina.

Nagsimula nga ang relasyon nila ni Olivia noong November 2013. Ever since ay naging maayos na ang takbo ng career ni Rafael dahil inamin niyang masyadon siyang inspired sa kanyang karelasyon ngayon.

“We’ve been together since November last year. And things have been good—positive lahat ng mga nangyayari sa amin.

“We actually inspire one another. And you can feel that love between us. I’m very proud of this relationship because it made me a better person,” pagmamalaki pa ni Rafael.

Si Olivia raw ang nagpawala ng lungkot sa buhay noon ni Rafael. Ito raw ang nagpuno sa noo’y kulang sa puso ng aktor.

“She changed me in so many ways. Kung ano ang buhay ko noon, it’s now all in the past—ayaw ko nang balikan ‘yung buhay ko. It was all superficial,” pagtatapos ni Rafael na kabahagi ng afternoon teleserye na The Borrowed Wife na magtatapos na ngayong Biyernes.

Rakista na nagka-bronchitis at vocal cord hemorrhage waging American Idol

Ang 23-year old  rocker-wanna-be na si Caleb Johnson of Asheville, North Carolina ang itinanghal na grand winner ng American Idol (AI) Season 13.

Tinalo ni Caleb ang mahigpit niyang kalaban na si Jena Irene, ang 17-year old finalist na taga-Farmington Hills, Michigan.

Bago nga pumasa at umabot sa finals si Caleb, dalawang beses na siyang nag-audition for American Idol. Una siyang nag-audition for AI Season 10 at na-eliminate siya agad sa Hollywood Week. Second time niyang mag-audition ay para sa AI Season 11 pero umabot lang siya sa Top 40 at natanggal din.

Si Caleb ang kauna-unahang hard-rocker na nanalo ng titulong American Idol. Ang mga dating winners ay kung hindi R&B and pop, ay acoustics naman ang specialty. Tulad na lang nina Phillip Phillips, Scotty McCreery, David Cook, Kris Allen, and Lee DeWyze na ang kung tawagin ay WGWG or White Guys With Guitars.

Sa buong competition ay never nag-land sa bottom two or bottom three si Caleb. Ang kanyang rendition sa mga rock songs na Dazed and Confused ng Led Zeppelin; Sting Me ng Black Crowes at Still of the Night ng Whitesnakes ay ilan lang sa mga phenomenal performances niya sa show.

Muntik na siyang hindi makapag-perform sa ika-3rd week ng AI dahil nagkaroon siya ng bronchitis at vocal cord hemorrhage. Pero nilabanan nga niya ang kanyang sakit at nanalo pa siya.

 

vuukle comment

AMERICAN IDOL

BLACK CROWES

BORROWED WIFE

CALEB

CALEB JOHNSON OF ASHEVILLE

DAVID COOK

RAFAEL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with