^

Pang Movies

Shooting ng movie nina Vice at Bimby tututukan ni Kris

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Siguradong magiging mahigpit ang laban sa darating ng Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil magkakatapat-tapat ang mga pelikula ng magkakaibigang sina Vice Ganda, Kris Aquino, at Coco Martin.

Nakatakda kasing gawin ni Vice ang sequel ng kanyang The Unkabogable Praybet Benjamin kasama si James ‘Bimby’ Yap Jr. Samantalang sina Kris at Coco ay ang sequel ng Feng Shui ang gagawing pelikula. Ngayon pa lang ay hinuhulaan ng mahigpit ang labanang ito.

“Ganoon talaga. ‘Yun nga lang tatlo kaming magkakaibigan na magtatatapat-tapat -- si Coco, ako at si Kris. Friendly competition ito,” pahayag ni Vice.

May kaba ba siyang nararamdaman sa tapatang ito. : “Hindi ko ini-entertain, kailangan kong i-enjoy.”

Excited na rin daw siya na makasama ang anak ni Kris na si Bimby.

“Sabi niya magbabantay siya (si Kris) para maaga ang cut-off na pabor sa akin para ‘di ako magdamagan mag-shooting,” kuwento pa nito.

 

Daniel gwardyado para hindi lumaki ang ulo

Walang dudang si Daniel Padilla ang pinakasikat na artista ngayon. Teen King ang bansag sa Kapamilya actor at nagpapasalamat siya sa lahat ng tumutulong sa kanyang career upang maaabot ang kasikatang kanyang tinatamasa sa kasalukuyan. Pero paano ba niya hina-handle ang kasikatan ngayon?

“Yung mga tao sa paligid ko na ginagabayan po ako.

“At masaya po ako at thankful po ako na ‘yung mga nakapaligid sa akin ay mabubuting tao,” pahayag ni Daniel sa kanyang guesting sa The Buzz 15 kamakailan.

Siyempre pa, kasabay nang kasikatan ni Daniel ay ang namumuong relasyon sa kanila ng kanyang ka-love team na si Kathryn Bernardo.

 Ano nga ba ang totoong estado ng relasyon nila ni Kathryn? Nagliligawan, mag-MU (mutual understanding), o sila na?

 â€œDoon pa rin sa ligawan stage. Ligawan na alam... ‘yung ganun, na alam niyang nililigawan ko siya.”

Ligawan na parang sila na?

“Hindi naman po, ligawan na parang MU. Parang last time na sinabi ko.”

Nag-”I love you” na siya kay Kathryn?

“A, wala pa!” natawang sabi ni Daniel.

Palagi niyang hinahawakan ang kamay ni Kathryn, ibig bang sabihin nito hinahawakan na rin ni Daniel ang puso ng kapareha? Totoo bang madalas din silang mag-HHUT o holding hands under the table?

“Ay, walang ganyan!” tanggi ni Daniel.

Nahalikan na ba ni Daniel si Kathryn sa lips?

“Ay, hindi, hindi puwede,” mabilis niyang sagot.

Kung sakali, gusto ba niyang siya ang maging first kiss ni Kathryn sa telebisyon?

“Bakit hindi po?” sagot niya.

“Pero matagal pa ‘yun.”

Gaano kaimportante sa kanya si Kathryn?

“Sobrang importante po,” pag-amin ni Daniel.

Nasaan si Kathryn sa puso niya?

“Sa pinakagitna,” sagot niya.

vuukle comment

BIMBY

COCO MARTIN

DANIEL

DANIEL PADILLA

FENG SHUI

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

KRIS AQUINO

LIGAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with