^

Pang Movies

Kris nag-pramis, ipamamana ang maraming alahas kay Ryzza Mae

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ngayong Wednesday, bibisitahin ng mag-inang Kris Aquino at Bimby Yap ang bagong bahay ni Aling Maliit, Ryzza Mae Dizon. 

Noong 45th Box Office Entertainment Awards, matapos tanggapin nina Bimby at Ryzza Mae ang Phenomenal Child Stars award, sinabi ni Kris, who hosted the program with Edu Manzano, na natutuwa siya dahil sa box office gross ng My Little Bossings ng dalawang bagets, natupad ang dream ni Ryzza Mae na makabili ng sariling bahay. 

Mula sa bonus ng movie at sa tulong na rin nina Vic Sotto at TAPE, Inc., nabili ni Ryzza Mae ang dream house nito.

Pakilala pa ni Kris, siya raw kasi ang unofficial mother-in-law ni Ryzza Mae at gusto niyang makita kung ano pa ang kulang sa bahay, na nakita na niya sa video ang kabuuan ng house. Dagdag pa ni Kris, “ang dami kong alahas Ryzza, at wala akong anak na babae, kaya alam mo na.” 

Naku, Ryzza, pumayag ka nang maging anak ni Kris!

Yasmien ipinaubaya na sa Diyos ang pagpapa-opera

Kung noong unang makausap namin si Yasmien Kurdi ay malungkot niyang ibinalita na ooperahan siya sa throat niya dahil may tumubong cyst doon, nang muli namin siyang makausap sa pocket presscon ng Rhodora X, very positive na ang outlook niya sa nangyayari sa kanya kahit pa sinabi ng throat doctor niya na malignant ang cyst niya sa throat at kahit maoperahan siya, hindi ina-assure ng doktor na babalik ang dati niyang boses. 

Nagpapakatatag daw siya at ayaw niyang magpadala sa kanyang sakit dahil malaki ang pananalig niya sa Diyos. Isa pa, very supportive ang kanyang husband and family at ang anak niyang si Ayesha na that afternoon ay takbo nang takbo at bless nang bless sa mga nandoon sa executive lounge ng GMA Network.  Masayahin ang bagets.

Pero hindi na raw ipagpapaliban ni Yasmien ang pagpapaopera niya ng kanyang throat right after matapos ng taping ng Rhodora X this week. 

Kinailangan ding mangutang, aktres naiiyak sa babayaran sa BIR

Mga artista na naman ang pinagbalingan ng Bureau of Internal Revenue (BIR). 

Every other week ay may presscon daw sila para sa celebrities na malaki raw ang pagkukulang sa BIR. 

Totoo kayang napakalaki ng sinisingil na tax sa isang aktres matapos makuwenta lahat ng mga kulang niya sa pagbabayad? 

Naiiyak daw ang actress dahil para mabayaran niya ang kulang niya sa BIR, kailangan daw niyang mangutang dahil kung hindi, mas lalaki pa ang interest nito kung hindi pa niya babayaran.

 

vuukle comment

ALING MALIIT

BIMBY YAP

BOX OFFICE ENTERTAINMENT AWARDS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DIYOS

EDU MANZANO

NIYA

RHODORA X

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with