^

Pang Movies

Anne maraming pinasayang matatanda

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nadagdagan na naman ang title ni Anne Curtis bilang Concert Sweetheart na in fairness sa TV host/actress ay kering-kering nasabayan ang mga naka-duet niyang sina Robert Seña, Martin Nievera, at Ogie Alcasid sa matagumpay niyang The Forbidden Concert Annekapal last Friday sa Araneta Coliseum.

Dumagdag pa sa kakuwelahan ang guest na si Luis Manzano na umagaw ng eksena dahil nakipagtalbugan din sa sintunadong boses kay Anne na binalanse naman ni Billy Crawford.

Bitin naman ang pag-akyat sa stage ni Sam Milby na sana ay isinama sa listahan ng guest para nasulit ang kilig ng fans sa dating mag-sweetheart. Nakahanap ng paraan si Billy para iparamdam sa madlang people ang relasyon nila ni Coleen Garcia na obviously ay kasamang nanonood ni Billy na birthday din nang gabing ‘yun.

Bitin din ang duet nina Anne at Regine Velasquez ng On the Wings of Love na naabot naman ang tono nang Dysebel ng ABS-CBN kaya panay ang pasasalamat niya kay Songbird at dream come true daw talaga ang maka-duet ito.

Bongga ang mga production number ni Anne mula umpisa hanggang sa katapusan ng show.

Meron siyang number na sumisirku-sirko sa ere at ang last number ay naligo pa siya habang iniaangat ang simbolo ng forbidden.

Ang dami kong tawa sa concert niya. Kahit sa mahabang pila sa CR (comfort room) pagkatapos ay bukambibig na nag-enjoy sila sa panonood. Pero ang nakagugulat ay ang maraming mga lola na nanood na talagang iika-ika na ay nakipagpuyatan sa concert ni Anne na lahat nakangiti paglabas ng Araneta.  

 

Taga-ubos ng pagkain at driver ni Kris, kilala na rin ng fans

Literal na pinagkakaguluhan palabas ng Araneta ang kilalang assistant ni Kris Aquino na si Darla Sauler. Ang daming nagpapa-picture sa kanya. Nakilala si Darla dahil lagi siyang binabanggit at ipinakikita sa KrisTV ni Kris.

Ang alam ng manonood assistant lang siya ni Kris sa morning show nito at taga-ubos ng pagkain na ayaw kainin ng kanyang amo.

Ipinakikita ring driver at taga-abot siya ng mga gamit ni Kris sa show.

Pero ang totoo, writer si Darla ng ABS-CBN na nagsimula sa  Magandang Tanghali Bayan o MTB days. Journalism graduate ito sa UP Diliman pero 10 years na siyang kasama ni Kris sa mga TV show nito.

Nagkaroon ng leukemia si Darla pero naagapan sa tulong ni Kris.

Si Kris daw ang nagpilit sa kanya na magpa-checkup sa mismong doctor din ni dating Pangulong si Cory Aquino. Kaya nagamot agad ang early stage cancer niya.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

ARANETA

ARANETA COLISEUM

BILLY CRAWFORD

BITIN

COLEEN GARCIA

CONCERT SWEETHEART

DARLA

KRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with