^

Pang Movies

AiAi may hinihinging sign kay Lord

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ayon kay Vicki Belo 10 minutes ang procedure na FemiLift o Pussykip na painless at walang side effects. Maganda rin daw ito sa mga mawawalan na ng regla.

Sa kabilang banda, handa na si AiAi delas Alas na pumasok sa pulitika kaya nga kumuha ito ng Public Administration and Governance sa University of the Philippines. Idolo niya si Gov. Vilma Santos pagda­ting sa pagtulong sa kapwa. Isa nang registered voter sa Calatagan, Batangas si AiAi at handang-handa na sa anumang posisyon na tatakbuhin ngayong darating na eleksyon.

“Malayung-malayo ang showbiz sa pulitika pero andyan naman si Ate Vi para hingan ko ng advice. Magdarasal ako kay Lord para bigyan ako ng sign kung ipagpapatuloy ko ang pulitika,” dagdag pa ni AiAi.

Jennylyn, may bagong single

Ilulunsad ni Jennylyn Mercado ang kanyang bagong single under GMA Records ngayong Linggo sa Sunday All Stars.

Ang carrier single ng album ay Never Alone na isinulat ni Vehnee Saturno. Ang pinakabagong album ni Jen ay nagmamarka sa kanyang pagbabalik sa GMA Records at sa kanyang 10th anniversary sa showbiz.

Sobra ang blessings na natatanggap ng aktres dahil umaariba ang kanyang career ngayon lalo na ang teleserye niyang Rhodora X na painit nang painit ang mga tagpo kaya ‘di binibitawan ng mga manonood.

Alwyn at Jennica wala nang selosan

Nagpapasalamat si Alwyn Uytingco dahil tinanggap ng mga manonood ang kanyang Beki Boxer na napapanood sa TV5 at namamayagpag ito sa rating. Stable na ang career, stable rin ang love life sa piling ni Jennica Garcia.

Bakit tumagal ang kanilang relasyon?

“Nag-mature na kami sa nagdaan ng mga taon. Wala nang selosan at may tiwala kami sa isa’t isa,” ani Alwyn.

 

 

vuukle comment

ALWYN

ALWYN UYTINGCO

ATE VI

BEKI BOXER

JENNICA GARCIA

JENNYLYN MERCADO

NEVER ALONE

PUBLIC ADMINISTRATION AND GOVERNANCE

RHODORA X

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with