^

Pang Movies

Kris ayaw na uling pakasal

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon sa Kris TV ay masayang ibinalita ni Kris Aquino ang kakukuha lang niya ng kanyang “certificate of no marriage” sa NSO (National Statistics Office).

Two and a half years na silang annulled ni James Yap pero ngayon lang daw natapos ang lahat ng papeles. Ganu’n katagal ang proseso.

“When you go to NSO you will get this cenomar, certificate of no marriage. For it to be valid itse-check mo. Akala ng mara­ming tao once nagpa-annul ka, annulled ka na but it has to go through talaga. Pupunta ka doon sa registrar kung saan ka nagpakasal, kung saan ka nagpa-annul -- may mga tatatak diyan -- at kailangan the judge will also sign, lalo na if you had property settlement. Tapos after all that natatakan ‘yan at napirmahan ng lahat, doon mo pa lang ipapadala sa NSO,” say ni Kris.

Kaya pinaalalahanan niya ang tele­viewers na maging aware na kapag nagpa-annul be sure na kunin din ang certificate of no marriage sa NSO para hindi makasabagal kung sakaling mapapakasal ulit.

When asked kung may balak ba siyang magpakasal ulit, say ni Kris, “hindi na siguro.”

Cristine excited na namang maging tita

Masayang-masaya si Cristine Reyes para sa kanyang ate Ara Mina ngayong buntis na ulit ito matapos makunan last year.

Dalawang buwang buntis na si Ara at ang ama ay ang boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

“Sobrang happy ako, kasi alam n’yo naman pong lahat na sobrang attached ako sa lahat ng pamangkin ko and blessing po ito sa family namin,” say niya sa press launch ng kanyang bagong endorsement ng Ever Bilena Advance Beauty.

Say ni Cristine, excited na nga raw siya sa paglabas ng bagong pamangkin and for sure maganda or gwapo raw ito. Boy ang gusto niya kung sakali dahil marami na raw siyang girls na pamang­kin.

Maingat na raw ang kanyang ate ngayon since nakunan na nga ito last year.

Eh siya kelan magkakaroon ng anak?

 â€œAko? Bakit anak agad? Wala nga akong boyfriend, anak agad,” say niyang natatawa.

Samantala, kinumpirma rin ng Ever Bilena management ang pagpasok ng kumpanya nila sa PBA sa ilalim ng pangalang Black Water at si Cristine and Sunshine Cruz na isa pa nilang endorser ang magi­ging muse.

Lawa ng Taal napiling venue ng PNG

Muli na namang mabibigyan ng buhay ang baybayin ng Lawa ng Taal na nasasakupan ng lungsod na ito matapos mapili ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) na pagdausan ng canoe, kayak at dragon boat race events na kabahagi ng 2014 Philippine National Games (PNG) na gaganapin sa dara­ting na Mayo 17-18, 2014.

Sa pangunguna ng Philippine Canoe and Kayak Federation (PCKF), inaasahang mahigit sa 1,500 atleta mula sa ibat-ibang rehiyon ng bansa ang nakatakdang magkatipon sa may kahabaan ng baybayin na nasasakupan ng mga barangay Wawa at Boot upang lumahok sa nasabing kumpetisyon na pasisinayaan ni Mayor Antonio C. Halili.

 

ARA MINA

BLACK WATER

BULACAN MAYOR PATRICK MENESES

CRISTINE

CRISTINE AND SUNSHINE CRUZ

CRISTINE REYES

EVER BILENA

EVER BILENA ADVANCE BEAUTY

JAMES YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with