^

Pang Movies

Drama actor hindi pa uli makapamuhay mayaman

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Malaking pagtitipid na ang ginagawa ng drama actor na ito dahil nabawasan na raw ang mga parating sumasama sa kanya sa taping.

Noon daw ay umaabot sa sampung tao ang lagi niyang kasama sa set. Meron siyang driver, masahista, personal assistant, bodyguard, taga-sagot ng kanyang cell phone, at tagabitbit ng kanyang mga gamit.

Umabot pa sa puntong may mga nagrereklamo nang ibang kasama ni drama actor sa taping, dahil minsan okupado ng entourage niya ang standby tent nila.

Ngayon daw ay dumarating na ito sa taping set na dalawa na lang ang kasama: driver at personal assistant na lang at maging sa bahay ay iisa na ang kasama.

Nagkakaroon daw ito nang financial problems dahil sa ilang personal na problema at hindi pa nakaka-recover.

Kahit ang sasakyan na gamit ng drama actor ay diesel na ang   gasolina. Bihira na raw nitong gamitin ang mga magagarang kotse niya.

Pagkatapos ‘magpasikip’, AiAi marami pang gustong ipagawa kay Dra. Belo

Marami pa raw ang ipagagawa ng Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas sa muling pagbabalik niya bilang endorser ng Belo.

Kung matatandaan ay isa sa original na endorsers ng Belo si AiAi noong maging fad sa mga artista ang magpa-liposuction.

Ngayon ay ang pagpapasikip ng kanyang private part na kung tawagin ay FemiLift ang siyang ini-endorse ng komedyante.

 â€œHindi lang ‘yan ang pinaayos ko kay Dra. Belo. Marami pang susunod kaya paghandaan nila ako!” sabay tawa pa ni AiAi.

Hindi nagdalawang-isip si AiAi nang alukin siyang maging endorser ng FemiLift. Tatlong beses nang nanganak si AiAi at kailangan daw ng bawat babae na maramdaman na maganda pa rin sila hanggang doon sa pinakapribadong parte ng katawan nila.

“Beauty is not just skin-deep, hanggang doon kailangan maganda ka!

 â€œPara ito sa maraming babae na gusto pang mag-feeling teenager—mag-feeling virgin. Oo magpasikip na tayong lahat para matuwa ang mga lalaki sa atin!” malakas na tawa pa niya.

Kapatid ni Beyoncé kinalmut-kalmot at sinipa-sipa si Jay-Z

Biglang inatake ng kapatid ni Beyoncé Knowles na si Solange ang mister nitong si Jay-Z pagkatapos ng after-party ng Met Gala in New York City last May 5 sa Boom Boom Room ng The Standard Hotel.

Nakunan ng surveillance camera sa loob ng elevator ang biglang pag-atake ni Solange kay Jay-Z. Mabuti na lang at nandoon ang bodyguard ni Jay-Z para pigilan si Solange. Pero si Beyonce ay wala raw ginawa para mapatahan ang nagwawala niyang kapatid.

Nakita sa video na sinisigawan, sinisipa, at kina-kalmot ni Solange si Jay-Z, pero nahaharang naman ni Jay-Z ang mga sipa at kalmot nito.

Noong makalabas sila sa elevator ay kitang-kita ang tensyon sa pagitan ng magbayaw. Hindi na sumakay si Jay-Z sa limousine na sumundo sa kanila. Sa ibang sasakyan ito sumakay para makaiwas sa pagwawala ulit ni Solange.

Ayon sa report ng Us magazine, nag-overreact daw si Solange sa sinabi ni Jay-Z sa kanya during the party.

 

vuukle comment

BELO

BEYONC

BOOM BOOM ROOM

COMEDY CONCERT QUEEN

DRA

JAY

JAY-Z

SOLANGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with