^

Pang Movies

Sa rami nang awards na tatanggapin, Sarah inaabangan kung ilang gown ang susuotin

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mamayang hapon na ang grand presscon ng first movie team-up nina Sarah Geronimo at Coco Martin, ang Maybe This Time for Star Cinema and Viva Films. 

Hindi pa tapos ang shooting ng movie na may play date this coming May 28, kaya kahit Sunday, may shooting sila. Sa Linggo, May 18, ang 45th Box Office Entertainment Awards at a-attend pa rin si Sarah sa coronation night nila ni John Lloyd Cruz (JLC), na gaganapin sa grand ballroom ng Solaire Resorts & Casino at 8:00 p.m.

Third time na nilang manalong Box Office King and Queen ni JLC, tuwing magtatambal sila sa movie, sila ang nakakakuha ng highest box office returns. 

Since three awards ang matatanggap ni Sarah this year mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), ilan kayang gowns ang isusuot niya?

Natatandaan namin nang unang manalo si Sarah ng awards sa GMMSF, iba ang gown na isinuot niya sa pagtanggap ng ibang awards at iba rin ang suot niya during the coronation nila as the Box Office King & Queen ni JLC. Dalawa pang awards ang tatanggapin ni Sarah this time, ang Female Concert Performer of the Year para sa Perfect 10 sa Smart Araneta Coliseum at Female Recording Artist of the Year para sa album niyang Expressions.

Mga host sa awards night sina Kris Aquino, Kim Chiu, Xian Lim, at Enchong Dee. Hindi pa confirmed ang pagdalo ni Boy Abunda na siyang dapat co-host ni Kris sa first part ng program.

Mapapanood ang awards night sa ABS-CBN sa May 25.

Marian isang linggong mamahinga

Pagkatapos ng kaguluhang nangyari sa taping ng Carmela sa isang bar sa Malolos City in Bulacan, napagpasiyahan na ng production na dito na lamang sa Metro Manila tapusin ang story nina Carmela (Marian Rivera), Yago (Alden Richards), Amanda (Agot Isidro), Trixie (Jaclyn Jose), Fernando (Roi Vinzon), Dante (Raymond Bagatsing), Yolly (Rochelle Pangilinan) dahil halos lahat naman ng malalaking eksena ay nakunan na at six days na lamang, grand finale na ng soap sa May 23. Isinulat ito ni Suzette Doctolero at dinirek ni Dominic Zapata. 

Ayaw mang sabihin ni Marian kung paano magtatapos ang love story nila ni Yago, sa ngiti niya ay mukha namang happy ending ito.

Noong Tuesday after ng ta­ping niya ng Carmela, itinuloy na ni Marian ang Mother’s Day ce­lebration para sa mga disabled sa covered court sa Bagong Silang, Caloocan City.

Humingi ng one week rest si Marian after her taping ng Carmela bago niya simulan ang kanyang dance-musical show titled MARIAN.

Magsisimula na silang mag-taping under Louie Ignacio pero pagbalik pa niya mula sa Freedom Concert Tour sa Los Angeles and San Francisco, California with husband-and-wife team nina Ogie at Regine Alcasid, Alden, and Allan K, ipalalabas ito every Sunday.

Sa pagbalik din ni Marian from the States, ilo-launch siya ng isa pang big-time product kasabay ang paglalabas ng isang malaki niyang billboard. Balita namin, tapos na ang billboard at nai-submit na for approval. Sensual but classy raw ang billboard.

AGOT ISIDRO

ALDEN RICHARDS

ALLAN K

AWARDS

BAGONG SILANG

BOX OFFICE ENTERTAINMENT AWARDS

BOX OFFICE KING

CARMELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with