^

Pang Movies

Alessandra maraming mini-maintain kaya kailangan ng datung

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Natatawa na lang si Alessandra de Rossi sa pagkaka-link niya kay Sid Lucero.

Nagulat na lang daw si Alex nang bigla siyang tanungin kay Sid, eh matagal na raw silang hindi nagkikita nito pagkatapos ng teleserye nila na Magkano ba ang Pag-ibig?

Sey ni Alex na may communication sila ni Sid pero through text lang daw.

“Nagulat naman ako kasi bigla akong ni-link kay Sid. As in parang may malisya pa ‘yung pagkakatanong.

“Sa totoo lang matagal na kaming ‘di nagkikita. Puro text lang tapos ni-link ako agad?

“Si Sid parang kuya ko lang ‘yan. Kaya walang dapat na malisya between us,” explain pa ni Alex.

Walang love life si Alex dahil tutok siya sa trabaho. Thankful siya at may daily show siya na Basta Every Day Happy.

“Marami akong bayarin ‘di ba? May bahay akong mine-maintain at may mga taong umaasa sa akin.”

 

One Direction tuloy na tuloy ang concert sa ‘Pinas

Confirmed na darating ang sikat na English-Irish boy band, One Direction (1D) sa Pilipinas.

Sa March 2015 nakatakdang dumating ang One Direction at may ginawa pa nga silang 13-second video para maabangan sila ng kanilang mga Pinoy fans.

 â€œHello, Manila, we’re One Direction and we got some great news for you. We’re coming to Manila on March the 21st. We think we’ll see you there. See you then,” pag-imbita pa nila Harry Styles, Niall Horan, Liam Payne, Zayn Malik, and Louis Tomlinson.

Ang MMI Live ang siyang magdadala sa One Direction dito sa Manila. Sila rin ang nagdala before kina Bruno Mars, David Guetta, and The Killers na nag-concert sa bansa.

Magsisimula nang mag-ipon ang mga fans ng One Direction dahil tiyak na mahal ang tickets nito.

Expected na rin na next year ay mag-aabang ang mga fans nila sa airport sa pagdating ng grupo na nagpasikat ng mga songs na What Makes You Beautiful, You & I, Story of My Life, Little Things, One Way Or Another, and The Best Song Ever.

Noong 2012 ay na-proclaim ang 1D as  Top New Artist ng Billboard magazine.

And 1D rin ang kauna-unahang banda in Billboard history na nagkaroon ng three hit albums sa Top 200 album charts in 2013.

 

Chris Brown extended sa kulungan

Mukhang magtatagal pa ang Grammy winner na si Chris Brown sa kulungan dahil sa pag-amin niya ng kanyang pag-violate sa kanyang probation in 2009 sa pag-aasault niya sa kanyang girlfriend that time na si Rihanna.

Nadagdagan pa ng 131 days sa kulungan si Brown dahil sa pag-amin niyang ito.

Pero ini-expect ng kanyang attorney na makalalaya na si Brown by next week.

“I expect Chris would be out of jail before the weekend’s up or Monday,” sey ni attorney Mark Geragos.

Pero may kaso pa nga rin si Brown sa Washington DC, kung saan meron siyang in-assault na photographer. Sa pag-amin niya sa nangyari, nakaligtas si Brown sa apat na taon na pagkakakulong at ibinaba na lang sa isang taon at may kasamang pagpasok nito sa rehab.

Nag-undergo na si Brown sa therapy at random drug testing, bilang part ng kanyang sentensya sa Los Angeles Superior Court.

Matatapos ang probation kay Brown in January 2015. Pero kailangan pa niyang tapusin ang 1,000 hours of community service.

vuukle comment

ALEX

BASTA EVERY DAY HAPPY

BEST SONG EVER

BROWN

CHRIS BROWN

ONE DIRECTION

PERO

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with