^

Pang Movies

Ate Vi walang napiling script ni Direk Brillante Mendoza

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nominated for Best Actress si Gov. Vilma Santos sa darating na Urian Awards sa Hunyo.  Makakalaban niya ang ilan sa pinakamabibgat na aktres gaya nina Nora Aunor (Ang Kuwento ni Mabuti), Cherie Gil (Sonata), at Lorna Tolenitono (Burgos).

Si Vilma ay nominated para sa Ekstra, ang kauna-unahan niyang indie film directed by Adolf B. Alix, Jr. Suporta lang niya sina Marian Rivera at Piolo Pascual. 

Dahil sa tagumpay ng Ekstra, gusto pang pagawin ng pelikula si Ate Vi. Marami ring indie film offers sa kanya at hinihintay lang siya ng Star Cinema kung kailan siya puwedeng gumawa ng pelikula sa kanila, isang comedy at isang drama. Si Brillante Mendoza ay isang direktor na masigasig na kunin si Vilma sa gagawin niyang pelikula.  Para makasiguro, pinuntahan pa nga siya ni Direk sa Batangas capitol dala ang ilang scripts na puwede niyang magustuhan. Pero mukhang may problema sa oras si Ate Vi. Kung gagawa kasi siya nang project, gusto niya ay maluwag ang iskedyul niya sa kanyang siyudad na nasasakupan.

                               

 

ADOLF B

ANG KUWENTO

ATE VI

BEST ACTRESS

CHERIE GIL

EKSTRA

JR. SUPORTA

LORNA TOLENITONO

MARIAN RIVERA

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->