^

Pang Movies

Nag-sorry at nag-thank you sa aktor, Kris inayawan si Derek

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahit hindi na tuloy ang movie nila ni Derek Ramsay, pinasalamatan pa rin ni Kris Aquino ang parents ng aktor na sina Meldy at Derek Ramsay Sr. sa pagsalubong sa kanya pagkagaling sa bakasyon nila sa London.

Humingi ng sorry si Kris kay Derek dahil hindi niya magagawa ang movie under Regal Entertainment. Kinausap ng TV host-actress si Cory Vidanes ng ABS-CBN at kahit wala siyang detalyeng isiniwalat sa Kris TV kahapon kung bakit bulilyaso na ang movie.

Balak sana ng Regal na pagsabayin ni Derek ang movie with Kris and Marian Rivera. Pero sa nangyari, mauuna muna niyang gawin ang unang tambalan nila ni Yan Yan (Marian’s pet name).

Eh dahil next month ay June na, malalaman na ang entry sa Metro Manila Film Festival nang nag-iisang movie this year ni Kris.

Cristine ipinagdamot sa reunion ng batchmates

Humataw sa Twitter ang reunion ng StarStruck Batch 1, na guest sa unang episode ng Basta Every Day Happy ng GMA. Nabuhay muli ang fans nina Jennlyn Mercado at Mark Herras na siyang nanalo sa unang batch ng talent reality show.

Umapir sa show ang nawawalang si Rainier Castillo. Mula nang lumayas sa GMA ang young actor, nawalan na siya ng kinang habang ang kalaban niya noon na si Mark ay hindi nawawalan ng projects, huh!

Sa batch ding ito nabigyan ng break si Cristine Reyes. Mas sumikat nga lang siya nang malipat sa Dos kaya naman kahit saglit, hindi siya pinayagang umapir sa reunion ng batch mates niya sa showbiz.

Komprontasyon ni Sarah kay Coco, tumatak na!

Nakipagsabayan talaga si Sarah Geronimo sa eksena kina Coco Martin at Ruffa Gutierrez sa co­ming mo­vie nilang Maybe This Time. Markado ang dayalog ni Sarah kay Coco, “There will never be us! Kaya huwag mo na akong landiin!”

Bale ito ang unang movie ni Sarah this year. Nagsama na sila noon ni Sarah sa TV series na Idol, ito naman ang una nilang tambalan sa screen. Hindi nga ba’t bibingka ang deskripsyon ng Pop Star kay Coco?

Sa totoo lang, malalaman sa movie kung patuloy pa ring mahihirang na Box Office Queen si Sarah sa susunod na  Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation. Siya kasi ang Box Office Queen dahil sa It Takes a Man and a Woman movie nila ni John Lloyd Cruz.

Then, si Sarah rin ang Female Concert Performer para sa Perfect 10 niya sa Araneta Coliseum at Female Recording Artist of the Year para naman sa album niyang Expressions.

Bale third time nang winner ng Box Office Queen ang Popstar Royalty, huh!

Gaganapin this May 18 ang awards night ng 45th Box Office Entertainment Awards sa Solaire Resorts & Casino.

 

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BASTA EVERY DAY HAPPY

BOX OFFICE ENTERTAINMENT AWARDS

BOX OFFICE QUEEN

COCO MARTIN

CORY VIDANES

CRISTINE REYES

DEREK

MOVIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with