^

Pang Movies

Nora naiyak nang pumunta sa Paoay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Dumalo si Superstar Nora Aunor sa unveiling ng kanyang statue bilang si Elsa sa multi-awarded movie na Himala noong Saturday, May 10 sa Paoay, Ilocos Norte. 

Sa sand dunes ng Paoay sila nag-shooting noong 1982 ng Experimental Cinema produced by now Ilocos Norte Governor Imee Marcos. 

Life-size ang statue, made in fiberglass ni sculptor Gerry Leonardo ng Philippine High School for the Arts sa loob ng 30 araw. Umaasa sina Gov. Imee at Paoay Mayor Clemente na magkakaroon ng himala ang nasabing statue at lalong makaka-attract ng mga turista sa Northern Luzon community. Nakatayo ang statue sa mismong sand dunes sa Suba Village ng Paoay.

Ayon kay Boy Palma, manager ni Nora, napaiyak ang Superstar nang iabot sa kanya ang certificate na Adopted Daughter na siya ng Paoay, at sa pagpapasalamat din niya sa kanyang mga Noranians na talagang sinamahan siya sa natatanging okasyon na iyon. 

Hindi kasi biro ang walong oras na biyahe papunta roon, lalo pa at napakainit ng panahon sa Paoay. Iyong iba nga raw ay nilagnat na sa init pero masaya pa rin sila na nasamahan nila ang kanilang idolo. 

Ipinaalam naman ni Gov. Imee na welcome ang lahat ng mga productions, here and abroad, na gamitin ang kanilang sand dunes at iba pang lugar sa Ilocos Norte sa shooting ng mga pelikula at TV tapings. 

Mayroon silang tinawag na Himala sa Buhangin, isang kampanya, to boost tourism sa kanilang probinsiya.

Unang batch ng StarStruck graduates, may matitinding rebelasyon

Maganda ang pilot telecast kahapon ng morning talk/variety program na Basta Every Day Happy (BEH) sa GMA 7, hosted by Donita Rose, Gladys Reyes, Alessandra de Rossi, at Chef Boy Logro. 

Special guests nila ang sampung graduates ng first batch ng StarStruck na maraming ibinukung na nangyari sa kanila during the reality talent search na hindi naisulat noon. Halimbawa hindi dumaan sa audition si Katrina Halili na napadaan lamang sa pila nang may lumapit sa kanya kung gusto niyang sumali. Inamin naman ni Jade Gonzales na three years silang naging mag-on ni Christian Esteban na ngayon ay naka-based na sa U.S.A. Magka­re­las­yon na sina Sheena Halili at Rainier Castillo noon at umiyak daw si Rai­nier nang makipag-kissing scene kay Katrina. Si Alvin Aragon naman, ni­li­gawan si Yasmien Kurdi, pero hindi nagtuloy.

Naging close agad sina Mark Herras at Cristine Reyes pero hindi nagtagal dahil after ni Alvin, si Cristine ang sumunod na natanggal. Na­ging sina Mark at Jennylyn Mercado for more than two years.

May VTR pa si Jen na hindi raw siya makararating kaya sinabihan siya ni Mark ng “I love you,” nang big­lang pumasok si Jen, sinabi nitong hindi raw niya pwedeng ma-miss ang reunion nila. Kahit nasa TV5 pa si Nadine Samonte ipinakita siya sa show.  Naggitara at kumanta naman si Dion Ignacio.  Sa ngayong, isa nang businessman si Anton dela Paz, na para sa kanya noon, unstable ang pag-aartista.

Napapanood daily ang BEH, 11:00 a.m. sa direksyon ni Louie Ignacio.

 

ADOPTED DAUGHTER

BASTA EVERY DAY HAPPY

BOY PALMA

CHEF BOY LOGRO

CHRISTIAN ESTEBAN

ILOCOS NORTE

PAOAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with