^

Pang Movies

Nanay na kailangan ng pera para sa deaf-mute na anak makikipagsalaran sa Who wants to be a Millionaire

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo, makiki-celebrate sa Mother’s Day ang paboritong game show ng bayan, ang Who Wants to be a Millionaire ng TV5 hosted by Vic Sotto, kung saan tampok sa isang special episode ang heartwarming at inspiring na kuwento ng mag-inang Rosemarie Ejada at ng kanyang 12-year-old deaf-mute na anak na si JK.

Matapos magta­gum­­­pay      sa pinagda­a­nang au­di­tions kamakailan sa Olongapo City, susubukan naman ng mag-ina na maiuwi ang P2 million grand prize ng Who Wants to be a Millionaire? upang ma­kapag-konsulta na si JK sa isang specialist at makatulong din sa iba pang mga deaf and mute children.

Sa episode na ito, bukod sa mamamangha ang viewers sa galing nang pag-intindi ng mag-ina sa isa’t isa gamit ang sign language, maantig din ang kanilang puso sa pagsulyap sa kuwento ng buhay ni Rosemarie at sa kanyang unconditional love at dedication para sa kanyang anak.

Panoorin ang special Mother’s Day episode ng Who Wants to be a Millionaire? ngayong Linggo, Mayo 11, pagkatapos ng PBA games, sa TV5.

LINGGO

MATAPOS

NGAYONG LINGGO

OLONGAPO CITY

PANOORIN

ROSEMARIE EJADA

SHY

VIC SOTTO

WHO WANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with