^

Pang Movies

Serye ni Julia parang panahon ni Snooky Serna?

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Parang walang ingay ang teleserye ni Julia Baretto. Basta maganda lang ba si Julia, ‘yun lang. Karaniwan kasi sa tema ng istorya sa simula pangit, gaganda sa ending at magsisisi yung mga dating nang-aapi sa bida. Parang panahon ni Tessie Agana at Snooky Serna pa. Sa panahong ito kasi, walang ibang style kundi ang api-apihin ang isang mahirap at pangit at sa huli, tiyak na lalabanan ka ng mga ito.

Antok ni Pauleen tanggal sa sampal ni Sherilyn

Nawala ang antok na umaatake sa set ng Barrowed Wife kay Pauleen Luna noong sabunutan siya Sherilyn Reyes dahil sa galit nang mapagbintangan siyang pinatay ang kapatid na si Maricar de Mesa. Seryoso sa kanyang pag-arte si Pauleen nowadays.

Dahil sa sobrang abala ng dalaga sa tapings niya, tila hindi na niya nababanggit kung meron na bang June wedding plan sila ni Vic Sotto. Matagal-tagal na rin niyang boyfriend ang komedyante na parang wala yatang balak lumagay sa tahimik.

Sabagay, sa ganda ni Pauleen, tiyak na maraming magkakandarapang mangligaw sa kanya kapag walang nangyari sa relasyon nila ni Bossing

Samantala, marami ang nagtatanong kung bakit hindi gawing bisita  ni Ryzza Mae Dizon si Mona Louise. Pinalakpakan siya sa Jaen Got Talent show sa Nueva Ecija noong kantahin ng bagets ang Let It Go. Magandang mapanood naman ang dalawang bata na nag-uusap. Si Mona ang batang Marian Rivera sa Carmela.

Bea laging hinahanap si Jake

Super pagod si Jake Vargas, pero masaya ito noong mag-show sa Pangasinan. Napakainit daw kasi ng sikat ng araw doon. Pero grabe raw ang pagsalubong sa binata noong dumating na sa gym na pagtatanghalan. Iisa ang tanong ng fans kay Jake, nasaan na si Bea Binene?

Binibining Baliuag mamimigay ng malaking premyo

Ngayong buwan ng bulaklak, pipiliin kung sino ang mapalad na mananalong Binibining Baliuag 2014. Isasabay ito sa Buntal Hat Festival sa pamumuno ni Mr. Jorge Allan Tengco ng Baliuag Tourism. Malalaking premyo ang naghihintay sa mapipiling Bb. Baliuag 2014. Bawat Barangay sa Baliuag ay may kalahok sa contest.

                               

 

vuukle comment

BALIUAG

BALIUAG TOURISM

BARROWED WIFE

BAWAT BARANGAY

BEA BINENE

BINIBINING BALIUAG

BUNTAL HAT FESTIVAL

JAEN GOT TALENT

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with