^

Pang Movies

Nadine babalik sa dating bahay!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ten years ago, February 28, 2004, to be exact, nagtapos ang first batch ng StarStruck, ang original reality talent show ng GMA 7.  

First grand winners sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, runners-up sina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo. Ang maganda sa batch na ito, halos hindi sila naghiwa-hiwalay, may communication sila kaya naman masaya silang lahat nang kunin silang mag-guest sa bagong morning show ng GMA 7, ang Basta Every Day Happy, na mapapanood na simula sa Lunes, May 12, 11:00 a.m. hosted by come backing actress-TV host Donita Rose, Gladys Reyes, Alessandra de Rossi, and Chef Boy Logro, sa direksyon ni Louie Ignacio.

Nag-appear sa taping last Wednesday sina Jennylyn, Mark, Yasmien, Rainier, Katrina Halili, Nadine Samonte, Dion Ignacio, Jade Gonzales, Alvin Aragon, and Anton dela Paz.  

Wala sina Sheena Halili, Cristine Reyes (who’s now with ABS-CBN), Christian Esteban (now based in the States) at ang yumaong si Tyron Perez.  

After the taping, nag-celebrate sila dahil birthday ni Jennylyn sa May 15.  Ito na kaya ang hudyat sa sabi’y pagbabalik ni Rainier sa GMA Network at si Nadine, na matatapos na ang contract this June sa TV5?

Noon kasing presscon ng One of the Boys, kung saan isa sa cast si Nadine, hindi niya sinagot kung totoong babalik siya sa GMA after mag-expire ang contract niya sa Kapatid Network. Si Rainier ay hindi na muling ni-renew ng TV5 sa contract niya.

Kahit split na kay Kris sumama pa rin sa Japan, Carl nanghinayang sa ibinayad

Naging open si Carl Guevarra sa interview niya after the presscon ng More Than Words, ang Mother’s Day offering ng Studio 5 Original Movies na tampok sina Alice Dixson, Jackie Lou Blanco, Ariel Rivera, and Sarah Labhati.  

Sa movie for television, gagam­panan ni Carl ang karakter ni Edwin, ang supportive boyfriend ni Emily (Sarah) na tumulong para ma­hanap nito ang inang hindi niya nakilala. 

Siyempre pa, ang itinanong kay Carl, kung totoong nag-break na sila ni Kris Bernal at muling nagkabalikan dahil magkasama silang nagbakasyon sa Japan, kasama ang ina at mga kapatid ni Kris.  

Obvious na umamin na si Carl na naging sila ni Kris pero nag-break nga sila, dahil sa isang pagkakamali niya na ayaw naman niyang sabihin kung ano. Hindi raw sila nagkabalikan kaya sila magkasama sa Japan vacation. Noon pa raw kasi nai-book ng mommy ni Kris ang Japan trip nila at kahit nga break na sila ni Kris, tinawagan pa rin siya nito at tinanong kung sasama pa siya. Dahil kinausap na siya ni Kris, sumama siya dahil ang ticket at accommodations ay nabayaran na niya, biro pa ni Carl, hindi raw ito tulad noong birthday ni Kris last year na ang gift niya ay trip to Singapore, kasama ang brother ni Kris, ngayon, KKB (kanya-kanyang bayad) sila.

Pero naging maasikaso naman daw sa kanya si Kris at ang family nito while they were in Japan. Pero hindi pa rin sila nagkabalikan doon ng girlfriend.  

Gusto raw ni Kris na kung talagang sincere siya, muli siyang liligawan ni Carl, kaya muli niyang sinusuyo ngayon ang young actress, dahil mahal na mahal daw naman niya talaga ito.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ALVIN ARAGON

ARIEL RIVERA

BASTA EVERY DAY HAPPY

CARL

KRIS

NIYA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with