^

Pang Movies

Erap galit pa rin sa relasyon ng anak kay Bernard Palanca

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dalawa na ang anak na lalake ni Bernard Palanca dahil baby boy ang isinilang noong Miyerkules ng kanyang girlfriend na si Jerika Ejercito, ang panganay ni Papa Joseph Estrada sa former actress na si Laarni Enriquez.

Lalake ang anak ni Bernard sa kanyang ex-wife na si Meryll Soriano. Namana ng bagets ang pagiging tisoy ni Bernard at alam ko ang sinasabi ko dahil ilang beses ko nang nakita ang bata.

May intriga na hindi kinakausap ni Papa Erap sina Jerika at Bernard dahil hindi siya boto sa relasyon ng dalawa. Kung totoo man ang intriga, baka mawala na ang tampo ni Papa Erap dahil may magic ang pagkakaroon ng apo as in pinapawi nito ang mga samaan ng loob.

Laarni mailap sa interbyu

Bihira nang ma-sight si Laarni Enriquez sa mga public event mula nang huminto siya sa pag-aartista.

Hindi rin nag-entertain si Laarni ng mga interbyu dahil hindi siya nagkomento tungkol sa well-publicized relationship ng kanyang anak na si Jake kay Andi Eigenmann.

Pero dahil sa picture na inilagay ni Jerika sa social media, muling nasilayan ng publiko ang beauty ni Laarni na lola na sa unang pagkakataon pero na-maintain niya ang kanyang beauty. Parang magkapatid lamang sina Laarni at Jerika.

Dra. Belo zero ang ‘puso’

Naniwala ako kay Dra. Vicki Belo nang sabihin nito kahapon sa presscon ng Belo Medical Clinic para kay Marian Rivera na wala siyang love life.

Hindi ko kokontrahin ang pralala ni Mama Vicki dahil totoo naman na wala siyang love life pero hindi ko na sasabihin ang kumpletong detalye bilang respeto sa kanya.

Isa si Mama Vicki sa pinaka-honest na babae na nakilala ko. Hindi siya marunong mag-deny, magsinungaling, or whatever. Kapag siya ang nagsalita, siguradong totoo at hindi dapat pagdudahan.

Mother’s Day na sa darating na Linggo at magkaroon na siya ng love life ang Mother’s Day wish ko para kay Mama Vicki dahil may karapatan siya na magmahal at mahalin. Very lucky ng mhin na magmamahal kay Mama Vicki dahil sagana ito sa pagmamahal.

Cedric at Zimmmer sumumpang ‘not guilty’

Humabol kahapon sina Cedric Lee at Zimmer Raz sa arraignment nila para sa Grave Coercion case na demanda sa kanila ni Vhong Navarro.

Maaga ang hearing sa Branch 74 ng Taguig Me­tro­politan Trial Court pero almost 12 noon na nang dumating sina Cedric at Zimmer. Hindi nila naabutan sina Vhong Navarro at Deniece Cornejo kaya hindi nagkaroon ng Part 2 ang kanilang face off.

Of course, not guilty ang plead nina Cedric at Zimmer sa kasalanan na ibinibintang sa kanila ni Vhong. ‘Yun nga lang, hindi pinaniwalaan ng mga sumusubaybay sa kaso ang kanilang not guilty plea.

Siyempre, mas affected ang mga usisero as if parang sila ang mga biktima nina Cedric at Zimmer. Inuunahan pa nga nila sa paghuhusga ang judge na in charge sa kaso.

Deniece at Vhong parang walang ginawang milagro noon nang magkita sa korte kahapon

Maagang umapir kahapon sa korte ng Taguig City si Deniece Cornejo kaya nagkita sila ni Vhong sa loob ng courtroom.

Naging civil ang dalawa dahil parang hindi nila nakita ang each other. Hindi katulad  nang dati na nag-request pa si Deniece na dalhan siya ni Vhong ng  “foods” nang magkita sila noong makasaysayan na gabi ng January 22.

Marami na ang nangyari mula noong January 22. Kung anuman ang mga naranasan noon ni Vhong, mas higit ang nararanasan ngayon nina Cedric, Zimmer, at Deniece. Hindi dapat makampante ang ibang mga suspect na sina Jed Fernandez, Ferdinand Guerrero, at JP Calma dahil sooner or later, masusukol din sila ng mga naghahanap sa kanila.

 

vuukle comment

CEDRIC

DAHIL

DENIECE

LAARNI

MAMA VICKI

VHONG

ZIMMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with