^

Pang Movies

Marian nagpatanggal ng mga balahibo sa katawan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Today ang grand launch ng Belo Medical Group bilang  new endorser at member ng kanilang family, si Ma­rian Rivera. 

Pero noon pang April 30, nakita na along EDSA, from Caloocan City to Magallanes in Makati City ang mga billboards ni Marian, and take note, hindi lang isang pose ang makikita, six pictures ito kaya naman ang mga fans ni Marian, buwis-buhay para lang mapiktyuran ang mga billboards niya at pinu-post sa Instagram, Twitter at Facebook, alin daw sa mga billboards ang gusto nila. 

Body contouring at laser hair removal ang ini-endorse ni Marian. 

Bagay daw sa kanya ang laser hair removal na ginawa na sa kanya ni Dr. Vicki Belo, dahil balbon daw ang aktres.

Ryzza Mae, ‘dad’ ang tawag kay James Yap

Matunog na “dad” ang tawag ni Ryzza Mae Dizon kay James Yap na special guest niya kahapon sa The Ryzza Mae Show.

Matunog din naman ang tawag na “anak” kay Ryzza Mae ni James na masayang nakipagkulitan kay Aling Maliit. 

Siyempre pa, pinag-usapan nila si Bimby, anak ni James at katambal ni Ryzza Mae sa top-grosser movie nilang My Little Bossings.

Kung ipinarinig ni Ryzza Mae ang paborito niyang mga kantang Pusong Bato at Let It Go, ipinakita naman ni James ang husay niya sa pagpapaikot ng bola ng basketball sa kanyang hintuturo (forefinger). Sa huli ay nakipag-selfie si Ryzza sa kanya.

Steven, kakanta at sasayaw habang nagluluto!

Nakatulong kay Steven Silva na marunong siyang kumanta, sumayaw, umarte, at magluto, para madali siyang makapasa sa audition ng The Boston, ang second season ng The Kitchen Musical na produced in Singapore.

“I’m feel very proud to be part of the show,” sabi ni Steven sa pocket interview. 

“It was very nerve-wracking and long, pero okey lamang sa akin dahil English ang dialogue, at thankful ako nang ibigay sa akin ang role ni Sid, a pastry chef, a metrosexual. Mostly Asians ang members ng cast, apat kaming Pinoy dito.”

Si Steven ay ultimate winner ng StarStruck 5. Pero may knowledge nga siya ng culinary arts na tinapos niya sa California Culinary Academy bago siya umuwi ng Pilipinas at nag-join sa reality show.

But still for his role, two months din siyang nag-attend ng refresher course sa Global Culinary School.  

Hindi rin problema kay Steven ang pagsayaw at pagkanta dahil ginagawa niya ito every Sunday sa noontime show nilang Sunday All Stars. 

Ilang drama series na rin ang nagawa ni Steven sa GMA7. Tapos na silang mag-taping ng The Boston na mapapanood na simula sa June 18, sa Lifestyle Channel, 9:00 p.m.

Next year, matatapos na ang contract ni Steven sa GMA, pero bukod sa musical variety show, makakasama na rin siya nina Solenn Heussaff at Isabelle Daza sa Taste Buddies sa GMA News TV every Saturday, habang naghihintay siya ng new soap.

vuukle comment

ALING MALIIT

BELO MEDICAL GROUP

CALIFORNIA CULINARY ACADEMY

CALOOCAN CITY

DR. VICKI BELO

GLOBAL CULINARY SCHOOL

JAMES YAP

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with