^

Pang Movies

Deniece hindi na makakalabas ng kulungan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sinubaybayan din ni DILG Secretary Mar Roxas ang pagsuko kahapon ni Deniece Cornejo kay PNP Director General Alan Purisima.

Kita n’yo naman, kabilang si Papa Mar sa mga nag-tweet tungkol sa pag-surrender ng babae na nagpabago nang todo sa buhay ng kanyang Kuya Vhong Navarro.

May karapatan naman si Papa Mar na maging involved sa pagsuko ni Deniece sa Camp Crame dahil nasasakupan ng opisina niya ang PNP.

Kaya huwag tayong magugulat kung mapapanood natin si Papa Mar na nagpapainterbyu tungkol sa retreat and surrender ni Deniece.

Ang bilis ng GMA News TV dahil may breaking news agad sila kahapon, ilang minuto matapos sumuko ni Deniece sa office ni Papa Alan sa Camp Crame.

May kasabihan tayo na daig ng maagap ang masipag at kahapon, sobrang agap ng GMA News TV sa paghahatid ng balita tungkol sa pagsuko ni Deniece.

Naglabas kaagad ang GMA News TV ng video footage ni Deniece habang nasa Camp Crame.

Kasama ni Deniece ang kanyang mga kamag-anak at abogado. Black T-shirt at royal blue cap ang suot ni Deniece habang inaalalayan siya ng kanyang lolo na si Rod Cornejo na former executive ng GMA 7.

Si Papa Rod ang kumumbinsi sa kanyang grand niece na sumuko na ito. Inosente man o hindi si Deniece sa mga bintang laban sa kanya, tama ang ginawa niya na voluntary surrender para hindi na lumaki pa ang mga problema niya.

Dinala agad si Deniece sa Women’s and Children’s Desk ng CIDG para sa medical examination at pagproseso sa pagsuko niya.

Ang sabi ng isang PNP official, pansamantala na mananatili si Deniece sa Camp Crame habang hinihintay ang desisyon ng korte kung saan siya dapat ikulong.

Ang PNP official ang nagsabi na kasama rin  ni Deniece ang TV crew ng GMA 7. Nangangahulugan ba ito na exclusive sa Kapuso Network ang coverage ng pagsuko ni Deniece? Malalaman natin ang tumpak na kasagutan sa mga susunod na araw.

Aspiring actress si Deniece na biglang naging overnight sensation nang masangkot siya sa pambubugbog kay Vhong Navarro noong January 22.

Naging bukambibig ng madlang-bayan ang name ni Deniece at pinukaw niya ang interes ng publiko. Pati ang mga maliliit na bata, nakilala si Deniece.

Naalaala ko tuloy ang dialogue ng kanyang Lola Florencia na ipinagmalaki na sikat na sila ng kanyang apo dahil sa kontrobersya na kinasangkutan nito.

‘Yun nga lang, malabo nang matupad ang dream ni Deniece na maging artista dahil super nega ang kanyang image. Wala rin katiyakan kung kailan siya makakalabas sa kulungan dahil diringgin pa ng korte ang mga demanda ni Kuya Vhong niya laban sa kanya. Sa totoo lang, napakasalimuot ng problema na pinasok ni Deniece. Ni sa panaginip, tiyak na hindi pumasok sa kanyang isip na darating ang araw na makukulong siya.

                         

vuukle comment

BLACK T

CAMP CRAME

DENIECE

DENIECE CORNEJO

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

KANYANG

KAPUSO NETWORK

KUYA VHONG

PAPA MAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with