^

Pang Movies

Jennylyn naaksidente na naman

- Vinia Vivar - Pang-masa

Accident-prone talaga si Jennylyn Mercado. Pagkatapos ma-sting ng dikya at ma-allergy ng Manila Bay, ngayon naman ay nasalubsob siya sa talampakan habang nagti-taping ng drama series niyang Rhodora X sa Bataan kamakailan.

Nakayapak lang kasi si Jen dahil ‘yun ang kailangan sa scene kaya hayun, pagtapak niya ay nasalubsob siya at pumasok sa kanyang talampakan.

Pero kahit super-sakit ng kanyang paa, being a real pro as she is, ay ipinagpatuloy niya ang eksena’t hindi ito ininda.

Nang magpa-check-up siya sa hospital, ayon sa doktor ay pumasok na raw sa loob ang stick na nakasalubsob sa kanya at matutunaw na lang daw ito.

That’s why, hindi siya nakadalo ng Sunday All Stars last Sunday pero today ay mapapanood na siya sa nasabing variety show kung saan ay siya ang opening number.

Kahit sobrang dusa ni Jen sa taping dahil sa init nga naman ng araw ang kalaban niya, at since ang location nila ay sa isla at dagat sa Bataan, walang reklamo si Jen at inspirasyon niya ang mga positive feedbacks na natatanggap niya.

Medyo tan nga siya ngayon dahil lagi siyang nabibilad sa araw, pero okay lang sa kanya dahil happy siya sa magandang  result ng serye.

Thankful din si Jen sa mga blessings na patuloy na dumarating sa buhay niya. Last Friday ay nagkaroon siya ng contract-signing para sa kanyang bagong endorsement na Hip Culture (for retail).

Excited din si Jen sa kanyang tinatapos na album under GMA Records. This is her comeback album sa naturang label after 10 years.

Sa May 18 ay ilo-launch na sa Sunday All Stars ang kanyang single-carrier at bilang bahagi na rin ng kanyang birthday celebration, mapapanood siya sa kanyang very special production number.

Mga eksena nina Coco-Kim nakaka-tensiyon

Ibang klase talaga ang lakas ng seryeng Ikaw Lamang nina Coco Martin at Kim Chiu with Julia Montes and Jake Cuenca dahil trending parati sa social media ang bawat episode nito bukod pa nga sa mataas na ratings na nakukuha nito gabi-gabi.

Tulad na lamang ng The Wedding Episode kung saan ay naudlot ang pag-iisang dibdib nina Isabelle (Kim) at Sa­muel (Coco), talaga namang pinag-usapan ito nang husto at nakakuha ng ratings na 29.7% base sa datos ng Kantar Media national TV ratings.

Maging kami mismo habang nanonood ay hindi talaga humihinga dahil sa sobrang intense at suspense ng mga eksena.

Sobrang in love, Sen. Chiz walang kahalintulad ang nararamdaman kay Heart

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, may mga kaunting bagay na lang siyang ina­asikaso para tuluyan nang mapakasalan ang girlfriend na si Heart Evangelista.

Matatandaang annulled na ang kasal ng Senador sa kanyang dating asawang si Christine Elizabeth Flores at sa kanya nakatira ang dalawa niyang anak.

“May inaayos lang ako na kaunti pa na gusot,” say niya sa kanyang panayam sa Tapatan ni Tun­ying aired last Thursday.

Inamin din niyang ngayon lang niya naramdaman ang ganitong pakiramdam sa isang babae.

“Wala pa akong naranasan na ganitong pakiramdam,” sabi pa niya.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

CHRISTINE ELIZABETH FLORES

COCO MARTIN

HEART EVANGELISTA

HIP CULTURE

KANYANG

NIYA

SIYA

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with