^

Pang Movies

Kotse ni Angel, umabot na sa P1.8M ang bid

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mas malaking pag-asa ang naghihintay sa mga batang estudyante na nasalanta ng bagyong Yolanda dahil sa paglaki rin ng bids para sa sinusubastang 1970 Chevrolet Chevelle ng aktres na si Angel Locsin na umabot na sa P1.8 million.

Kamakailan nga ay binuksan ng Sagip Kapamilya ang isang online auction para sa muscle car na idinonate ni Angel kung saan gagamitin ang malilikom na pera para magpatayo ng mga classroom sa mga lugar na hinagupit ng bagyo noong Nobyembre.

Nasa P1 milyon dapat ang minimum bid ngunit ngayon ay halos doble na ang inabot nito na nangangahulugang mas maraming pera ang maaaring gugulin para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Nagsara ang auction kahapon (April 30). Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan, bumisita lang sa auction site o tumawag sa 4114995 para magpa-schedule ng viewing appointment.

Umabot na sa mga 3.6 milyung kataong apektado ng bagyong Yolanda ang naabutan ng relief goods ng Sagip Kapamilya at 303 bangka at iba pang kagamitan sa pangingisda na ang naipamigay na sa iba’t ibang coastal areas habang 21 silid-aralan naman ang nasimulang gawin sa ilang bayan.

Dose anyos na lalaki, todo sisid sa basura, burak, at abo para kumita

Noong nakaraang linggo, nasunog ang isang komunidad sa Barangay Tonsuya sa Malabon. Mahigit isang libong pamilya ang nawalan ng bahay at mga ari-arian kabilang na ang pamilya ng labing-dalawang taong gulang na si Junjun. Kasama ang kanyang anim na kapatid, sumisilong sila ngayon sa isang maliit na tolda sa kalye.

Upang makatulong sa kanyang pamilya, sinisisid ni Junjun ang isang maruming sapa na may pinagsama-samang basura, burak at abo. Peligroso man ang ginagawa niyang pangangalakal, hindi ito alintana ni Junjun dahil mahalaga raw ang kikitain niya para muling maitayo ang kanilang barong-barong.

Bukod sa maruming tubig, may mga matatalas na bakal rin sa ilalim ng sapa. Nasugatan ang paa ng labing-limang taong gulang na si Miko matapos lumusong upang mangalakal. Sa kabila nito, patuloy pa rin siya sa paghahanap ng maibebentang basura. Malaking tulong raw kasi ang kinikita niya upang maibsan ang gutom ng kanyang pamilya.

Isa ang Pilipinas sa mga itinuturing na fastest growing economy sa Asya. Pero ang masaklap na katotohanan, isa rin ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng mahihirap sa mga bansa sa Asya. Sa tala ng National Statistical Coordination Board, umabot na sa 23 milyong Pilipino ang mahihirap o nabubuhay sa below poverty line. Kailan sila makakaahon sa burak ng kahirapan?

Huwag palalampasin ang Reporter’s Notebook sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, pagkatapos ng I-Witness, sa GMA 7.

ANGEL LOCSIN

ASYA

BARANGAY TONSUYA

CHEVROLET CHEVELLE

JUNJUN

NATIONAL STATISTICAL COORDINATION BOARD

PARA

PILIPINAS

SAGIP KAPAMILYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with