^

Pang Movies

Hiniram na gown ng aktres, namantsahan

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hindi nababakante sa mga drama series ang senior actress kaya madali siyang magka-sponsor.

Minsan ay nanghiram ito ng gown na gagamitin sa isang eksenang may debut. Hindi nito namalayan na nagkarun ng mantsa ang gown.

Nang isauli ito sa nag-sponsor ay naimbyerna ang bading na designer. Humingi naman ng dispensa ang aktres pero hindi na gown ang ipinahiram sa kanya kundi mga damit na lang.

Marian excited sa dance show

Na-extend pa ng tatlong linggo ang Carmela dahil sa mataas na rating ng teleserye. Excited na si Marian Rivera dahil magkakarun siya ng bagong dance show.

 â€œWow! Ito ang gusto kong gawin,” nasambit ng magandang actress bukod sa magandang takbo ng career ay masaya pa rin ang personal na buhay nito sa piling ni Dingdong Dantes.

Abut-abot ang nerbyos nito kamakailan dahil sa pagsali ng nobyo sa motorcycle competition dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito pero enjoy siya sa panonood dahil safe naman ang nobyo.

Yasmien ikinulong sa container

Kaabang-abang ang mga nangyayari sa Rhodora X kung saan maraming nagagalit kay Jennylyn Mercado bilang si Roxanne, naaawa naman ang mga manonood kay Yasmien Kurdi laluna na ngayon na ikinulong at itinali pa sa container ang aktres sa karakter ni Angela.

Tumirik na ang mata nito at ang malaking katanungan ay kung mamamatay na ba ito?

vuukle comment

ANGELA

CARMELA

DINGDONG DANTES

HUMINGI

JENNYLYN MERCADO

KAABANG

MARIAN RIVERA

RHODORA X

YASMIEN KURDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with